Robin sa mga bashers ni Daniel: Mabuting bata ito..arbor ko na ang pamangkin ko! | Bandera

Robin sa mga bashers ni Daniel: Mabuting bata ito..arbor ko na ang pamangkin ko!

Djan Magbanua |May 06,2016
facebook
share this

Robin sa mga bashers ni Daniel: Mabuting bata ito..arbor ko na ang pamangkin ko!

Djan Magbanua - May 06, 2016 - 03:04 PM

robin padilla
IPINAGTANGGOL ni Robin Padilla ang kanyang pamangkin na si Daniel Padilla laban sa mga basher na galit na galit sa pag-endorso nito kay Mar Roxas.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Binoe ng picture nila ni DJ kasabay ng pakiusap sa mga netizen na ibalato na lang daw sa kanya ang pamangkin.
Sey ni Robin, “Ang batang ito ay mabuting anak sa kanyang tatay lalo sa kanyang INA. Ang batang ito ay mapagbigay sa kanyang mga kapatid sa ina at ama. Ang batang ito ay malambing na APO sa lahat ng kanyang mga Lola at Lolo.
“Ang batang ito ay magalang na pamangkin sa lahat ng kanyang mga Tito at Tita. Ang batang ito ay mapagmahal sa kanyang mga pinsan at kamag anak. Ang batang ito ay tapat sa kanyang mga kaibigan. Ang batang ito ay alipin ng kanyang mga tagahanga. Ang batang ito ay simbolo ng bawat nating pagkamulat.”
“Paumanhin sa lahat ng kanyang nasaktan hinihingi ko ang suporta ng aking mga kapanalig na wag sakyan ang diversionary tactics ng Magdalo at alisin natin ang atensyon kay Trillanes. Si Antonio TRILLANES ang kalaban hindi ang batang ito…Arbor ko na ang pamangkin ko.”

Nagbigay din ng suporta ang ilang fans at sinabing mahal na mahal pa rin nila si DJ kahit na si Mar Roxas ang kanyang sinusuportahan. Nirerespeto raw nila ang desisyon ng kanilang idolo.

“Tunay kang Tito. Saludo ako sa iyo!”

“Crying right now. LOve you dj!”

“Everyone has own opinion at pniniwala. God guide us kung sino po ang tunay n krapat dapat n mamuno sa ating bansa. Magandang buhay para sa ating mga Pilipino.”

“Salamat po Tito Robin. Sana po maintindihan na po ng mga taong naninira sa ky DJ. Mahal na mahal po namin si DJ at nirerespeto po namin ung desisyon nya kng sino mn ang sususportahan nya. Mabuhay po kayo.”

Iyan ang ilan sa mga mensahe ng netizens na kampi pa rin kay Daniel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending