Naghahanap ng boyfriend | Bandera

Naghahanap ng boyfriend

Joseph Greenfield |May 05,2016
facebook
share this

Naghahanap ng boyfriend

Joseph Greenfield - May 05, 2016 - 01:59 PM

Sulat mula kay Jasmine ng Buenavista,  Alangalang, Leyte
Dear Sir Greenfield,
Wala po akong boyfriend sa ngayon at mag iisang taon na akong walang boyfriend, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. May 2, 1989 ang birthday ko. Gusto ko pong magka-boyfriend kasi malungkot ang buhay ko pag wala akong boyfriend. Kaya sana matulungan nyo akong magka-boyfriend. At sana malaman ko rin ang mga lalaking ka-compatible ko para pag nagkaboyfriend ako ay pang matagalan na.
Umaasa,
Jasmine ng Leyte

Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda, na sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, magkaka-boyfriend ka at pagkatapos ng mga ilang taon makapag-aasawa ka na at habang buhay na magiging maligaya.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Jack of Clubs at Two of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing “tall, dark and handsome” ang lalaking magiging boyfriend mo at kasing edad mo rin siya, na nakatakda mong makilala sa taon ding ito ng 2016 sa susunod na dalawang buwan mula ngayon.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending