Alaska vs Meralco: Matira-matibay | Bandera

Alaska vs Meralco: Matira-matibay

|May 04,2016
facebook
share this

Alaska vs Meralco: Matira-matibay

- May 04, 2016 - 03:00 AM

meralco vs alaska

Game Today
(Araneta Coliseum)
7 p.m. Alaska vs Meralco

ANG Final Four series na hindi inaasahan ng karamihan ay umabot sa sukdulan.
At ngayong alas-7 ng gabi, magtutuos sa huling pagkakataon ang Alaska Aces at Meralco Bolts sa Game Five ng kanilang semifinal series ng Oppo PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Pakay ng Meralco na masungkit ang kauna-unahan nitong kampeonato sa liga habang puntirya naman ng Alaska na makabalik sa Finals matapos na mabigo ng San Miguel Beer sa Philippine Cup Finals, 4-3.
Ang mananalo sa labang ito ay makakasagupa ang Rain or Shine sa best-of-seven finals.
Papasok sa labang ito ay lamang sa momentum ang Bolts matapos na tambakan ang Aces, 86-70, sa Game Four noong Lunes ng gabi.
Nagkaroon ng maagang pahinga ang Rain or Shine matapos na mabilis na pagdispatsa sa San Miguel Beer sa kanilang semis series.
Matapos na paghatian ng Alaska at Meralco ang unang dalawang laro ng serye ay nagtala ng tambakang panalo ang Aces sa Game Three bago bumawi ang Meralco sa Game Four.
“We have to remain hungry,” sabi ni Meralco coach Norman Blackmatapos na magwagi noong Lunes. “Now that we’re here, we’ll try to win Game 5.”
Sa quarterfinal round ay umabot din sa sukdulan ng best-of-three series ng Alaska kontra Tropang TNT.
Nangako namang babawi sa masamang laro ang Aces ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending