Paulo kay KC: Karapatan naman niyang makipag-date! | Bandera

Paulo kay KC: Karapatan naman niyang makipag-date!

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Paulo kay KC: Karapatan naman niyang makipag-date!

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 02:00 AM

 

KC Concepcion at Paulo Avelino

KC Concepcion at Paulo Avelino

“SHE deserves to be happy!” Ito ang naging sagot ni Paulo Avelino nang tanungin tungkol sa pakikipag-date ng kanyang ex-girlfriend sa Azkals player na si Aly Borromeo.

Nakachika ng ilang members ng entertainment press si Paulo sa ginawang announcement ng Dreamscape Entertainment para sa bago nitong teleserye, ang The Promise Of Forever. Makakasama niya rito sina Ejay Falcon at ang bagong Kapamilyang leading lady na si Ritz Azul na puring-puri ng manonood sa guesting niya sa number one primetime series sa bansa na FPJ’s Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Kamakaila, kumalat ang balita na muli raw niyang nililigawan si KC. Para raw talaga sa dalaga ang ipinost niyang video sa kanyang Instagram account kung saan mapapakinggan din ang kantang “Loving Someone”. Pero paglilinaw ng binata, “I really do share a lot of songs. With friends or with family, well yeah pero ang ganda lang nu’ng kanta.” Hindi raw para kay KC ‘yun at wala ring katotohanan na nililigawan niya uli ang singer-actress.

Okay naman daw sila ni KC, sa katunayan nagkita sila kamakailan sa isang event. Nabalitaan din ni Paulo ang tungkol sa pagde-date ng dati niyang dyowa at ng Azkals member Aly Borromeo na ipinakilala na rin daw ni KC sa kanyang pamilya noong mag-celebrate ng 20th wedding anniversary sina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.

Ang reaksiyon ni Paulo rito, “Okay, well she deserves to date someone else and be happy. Everyone deserves to be happy. Everyone deserves to maybe find what they are looking for.”  Siyempre, natanong din ang Kapamilya hunk kung totoong nag-date sila sa Singapore ng dati niyang leading lady na si Bea Alonzo, “No, no. ‘Yung nangyari no’n kasi my Singaporean friends invited me pero si Bea, Enchong (Dee) and Ate Monch (Novales) of Star Magic pumunta sila ng Sunday ata ‘yun so nagkita-kita kami ng Sunday.”

Single and happy naman daw si Paulo ngayon at mas gusto raw niyang mag-focus sa bago niyang teleserye. Excited na raw siya sa pagsisimula ng kanilang taping dahil bukod sa ganda ng kuwento ng The Promise Of Forever ay first time rin niyang makakatrabaho sina Ejay at Ritz.

Chika pa ng binata, “I’m single. I have no plans of seeing someone I don’t know when pero hindi naman natin masasabi so time will tell.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending