Carla sa mga anti-Mar: Wag na tayong mag-away-away! | Bandera

Carla sa mga anti-Mar: Wag na tayong mag-away-away!

Ervin Santiago |May 04,2016
facebook
share this

Carla sa mga anti-Mar: Wag na tayong mag-away-away!

Ervin Santiago - May 04, 2016 - 02:00 AM

 

Carla Abellana at Mar Roxas

Carla Abellana at Mar Roxas

DEDMA na rin si Carla Abellana sa mga netizen na patuloy pa ring namba-bash sa kanya dahil sa pagsuporta niya sa kandidatura ni Mar Roxas. Naniniwala ang Kapuso actress na pagkatapos ng eleksiyon sa May 9 ay tatahimik na rin ang kanyang bashers.

Aniya, kanya-kanyang paniniwala lang ‘yan at ang dapat lang gawin ng bawat mamamayan ay magrespetuhan at iwasang magbastusan at mag-away-away dahil at the end of the day pare-pareho pa rin tayong mga Pilipino.

Sa isang panayam, sinabi ni Carla na maiiwasan naman ang pag-aaway kung marunong lang tayong rumespeto sa kapwa. Aniya, “Ipaglaban mo kung sino ang kandidato mo, at ipaglalaban ko rin kung sino yung pinaniniwalaan ko. Hindi naman tayo kailangang mag-away-away. Hindi natin kailangang magsiraan, di ba?”

Samantala, patuloy pa ring nagdadala ng kilig at good vibes ang GMA Telebabad series nina Carla, Rafael Rosell at Gabby Concepcion na Because Of You. Ngayong gabi narito ang mga eksenang dapat n’yong tutukan.

Nag-unahan sina Andrea at Lucille na makarating kay Jaime. Si Andrea, para magsumbong na umamin na si Lucille na sinasabotahe nga nito ang kasal nila at si Lucille, para mag-imbento na naman ng kuwento laban kay Andrea. Nauto ni Lucille si Patricia kaya tumulong ito para mapigil si Andrea na makarating kay Jaime. Pero nakita ni Dennis ang ginagawa ni Patricia. Hinalikan siya ni Dennis at na-in love na instantly sa isa’t isa. Pinakawalan na ni Patricia si Andrea para makapunta na ito kay Jaime.
Kahit na-make over na si Onat, galit pa rin sa kanya si Cheska dahil iniwan nito si Cheska noon.

Natapunan ng drinks si Chandler kaya naghugas at nagtuyo sa comfort room. Lalabas na sana pero from outside ay pinipigil nina Malou at Iska ang pinto. Nang nabitiwan, nauntog doon si Chandler at nawalan ng malay. Ang takot nina Malou and Iska, baka patay na raw si Chandler. Takbo sila kay Cheska para sabihin ang problema. Bigla namang gumising si Chandler nang gusto na siyang i-mouth to mouth ni Malou, nagpi-pretend lang pala itong walang malay.

Nauna si Lucille na humarap kay Jaime at nag-imbento na ng kuwento laban Andrea. Dumating si Andrea, sinabi ang totoo kay Jaime. Kay Andrea naniwala si Jaime. Dahil kay Lucille, natamaan ng chandelier si Jaime. Bulag na raw si Jaime, Andrea offers her cornea para lang makakita si Jaime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending