Ogie Alcasid naki-Grace Poe na rin | Bandera

Ogie Alcasid naki-Grace Poe na rin

Leifbilly Begas |May 01,2016
facebook
share this

Ogie Alcasid naki-Grace Poe na rin

Leifbilly Begas - May 01, 2016 - 04:30 PM
BUKOD kay Coco Martin at Vic Sotto, nagpahayag na rin ng pagsuporta sa presidential candidate na si Sen. Grace Poe ang singer na si Ogie Alcasid. Nag-compose pa ng kanta si Alcasid na may titulong Gobyerno na may Puso para kay Poe na pinaniniwalaan niya na magpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino. Kinanta ito ni Alcasid sa 5th National Fireworks Festival sa Marikina Riverbanks Center Amphitheater Sabado ng gabi kung saan dumalo ang may 25,000 katao. Ayon kay Alcasid, pangulo ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit, na ikakampanya niya si Poe sa kanyang mga kasama sa mga nalalabing araw ng kampanya. Nitong Linggo ay nangampanya si Poe sa Marikina City kung saan sinalubong siya ni dating Marikina Mayor at Metropolitan Manila Development Authority chairman Bayani Fernando, na tumatakbong kongresista. Sa Quezon City ay sinalubong din si Poe ng “Kababaihan para kay Grace Poe” na pinamumunuan ni dating Sen. Leticia Ramos-Shahani, dating Sen. Santanina Rasul, Atty. Katrina Legarda, Sister Mary John Mananzan, at film director Bibeth Orteza. Si Poe at ang running mate niyang si Sen. Francis Escudero ay inendorso rin ng transport group na STOP and GO. Nagpasalamat naman si Poe sa mga sumusuporta sa kanya sa kabila ng panggigipit na ginagawa ng kanilang mga kalaban. “Pinagbuksan tayo ng pinto sa bawat bahay na kinatok, binigyan ng mainit na pagsalubong sa bawat bayan na dinayo. Salamat sa inyong tiwala at suporta,” ani Poe. “Nakakagulat at nakakataba ng puso ang patuloy na pagdami ng mga kababayan nating gustong tumulong. We will finish this fight to the end and will hand victory to the Filipino people.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending