Nahihiyang manligaw | Bandera

Nahihiyang manligaw

Joseph Greenfield |May 01,2016
facebook
share this

Nahihiyang manligaw

Joseph Greenfield - May 01, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alvin ng Castellano, Calatraba, Negros Occidental
Dear Sir Greenfield,
Hindi ako nakatapos ng high school kaya naman sa edad kong 27 ay nahihiya akong manligaw, nangyari pang ang babaing nakukursunadahan ko ay tapos ng college. May trabaho naman ako sa ngayon bilang collector atmessenger sa isang lending company at maayos naman ang suweldo ko. Gusto ko ng magka-girlfrienbd kaya naisipan kog sumangguni sa inyo. Sa ngayon ay wala namang boyfriend ang babaing sinasabi ko at nakakakuwentuhan ko siya ng madalas, kaya lang parang nagdadalawang isip akong ipahayag ang pag-ibig ko sa kanya. Kung malalaman kaya niya ang damdamin ko, patulan kaya niya ako kahit hindi ako edukadong tao? Lahi kasi sila ng mga edukadong tao at may kaya din sa buhay ang kanilang pamilya. September 14, 1988 ang birthday ko at December 23, 1990 naman ang babaing napupusuan ko.
Umaasa,
Alvin ng Negros  Occidental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kung sino ang unang babae na pagtapatan mo ng iyong pag-ibig, higit lalo at may kaya sa buhay tiyak ang magaganap siya na ang iyong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.
Cartomancy:
Six of Diamonds, Ten of Diamonds at Jack of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung maputi at makinis ang balat ng babaing
iyong nililigawan, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2016, magiging girlfriend mo siya at sa sandaling naging girlfriend mo siya at tuluyang napangasawa, tiyak ang magaganap dahil sa pag-aasawa uunlad at yayaman ka na rin.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending