Pangmatagalang boyfriend ang hanap (2) | Bandera

Pangmatagalang boyfriend ang hanap (2)

Joseph Greenfield |April 30,2016
facebook
share this

Pangmatagalang boyfriend ang hanap (2)

Joseph Greenfield - April 30, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Sheila ng Dacudao, Agdao, Davao City
Problema:
1. Sa edad kong 25 sa daratin na May 10 ay madami na akong naging boyfriend at naranasan ko na ring makipag-live in. Kaya lang ang labis kong pinagtataka ay matapos ang isang taong relasyon nawala din ang lalaking naka-live in ko. Sa pakiramdam ko niloko at ginamit nya lang ako ng matuklasan kong bukod sa akin may binabahay pa pala siyang ibang babae. Tapos non, nakipag-boyfriend na naman ako sa kung kani-kaninong lalaki, pero puro hindi seryoso sa halip feeling ko ginagamit lang nila ang katawan ko at tapos ay iiwanan din.
2. Hanggang ngayon broken hearted pa rin ako kaya naisipan kong sumangguni sa inyo, kung ano po ba ang dapat kong gawin para magkaroon na ako ng isang permanente, seryoso at pang matagalang boyfriend na papakasalan ako at hahantong sa isang masaya at pang habang buhay n aka-relasyon? May 10, 1991 ang birthday ko.
Umaasa,
Sheila ng Agdao, Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating. Siya siseryoso at magtotoo sa iyo, hanggang sa kusa ng mabuo ang isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.
Numerology:
Ang birth date mong 10 ay nagsasabing titino at magiging mabuti ang pakikipag-relasyon mo sa pag-ibig kung isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25 ang iyong magiging boyfriend at tuluyang mapapanagsawa. Ang nasabing lalaki ay nakatakdang dumating sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Mayo o kaya’y Oktubre sa edad mong 25 pataas.
Luscher Color Test:
Ugaliin mo ring laging mag suot ng kulay na berde, dilaw, lilac at pink, upang bumuti at gumanda na ang iyong kapalaran sa larangan ng pag-ibig, pakikipag-relasyon at pagpapamilya.
Huling payo at paalala:
Sheila tandaang habang buhay ay may pag-asa, basta’t naging maingat ka lang sa pagpili ng susunod na magiging boyfriend. Sa sandaling may dumating na isang Virgo na may birth date na 7, 16, o kaya’y 25, sunggaban mo na agad. Sapagkat ayon sa iyong kapalaran, siya ang lalaking itinakda sa iyong palad na makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya na nakatakdang mangyari at siguradong magaganap sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Mayo o kaya’y Oktubre edad mong 25 pataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending