John Planong buntisin agad si Isabel; enjoy sa pag-aalaga kay baby Feather | Bandera

John Planong buntisin agad si Isabel; enjoy sa pag-aalaga kay baby Feather

Ervin Santiago |April 30,2016
facebook
share this

John Planong buntisin agad si Isabel; enjoy sa pag-aalaga kay baby Feather

Ervin Santiago - April 30, 2016 - 03:00 AM

BALAK ni John Prats na buntisin uli ang asawang si Isabel Oli at sundan agad ang panganay nilang si Baby Lily Feather. Ayon sa TV host-actor, balak nila ni Isabel na magkaroon ng at least three children, kaya hangga’t kaya ay susunud-sunurin nila ang paggawa ng baby.

Sey pa ni Pratty, mas okay daw kasi kung mag-aanak sila ng kanyang misis ngayong bata pa sila para masasabayan pa nila ang paglaki ng kanilang mga anak. Yun bang malakas pa sila at may energy pa para makasama sa mga physical activities ng mga bagets.Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si John na tatay na siya, kakaibang feeling daw pala talaga kapag isa ka ng ama.

“Sobrang happy na ako ngayon na sobrang healthy and safe yung delivery ng wife ko. Kasi yung transition kasi na day one, na sana lima yung daliri ng anak ko, na kumpleto at healthy siya at walang kumplikasyon,” chika ni Pratty nang humarap sa ilang members ng entertainment media sa presscon ng political movie nilang “diYOS-DIYOSAn”.

In fairness, talagang maswerte si Isabel sa kanyang mister dahil talagang naglalaan ito ng panahon para maka-bonding ang kanilang baby kahit na nga pagod na siya galing sa pagtatrabaho. Hands-on father talaga si John, sa katunayan siya raw ang naka-assign na mag-alaga kay Baby Lily tuwing madaling-araw.

“Ako yung nagkakarga sa kanya, siyempre breastfeeding, so kailangan kung gisingin yung wife ko kapag (oras nang dumede). Ang hirap nu’ng una kasi hindi mo alam kung bakit umiiyak siya.
“Hindi mo alam, e, it’s either change diapers or gutom, yun lang naman, e. But after last week, ngayon alam ko na kung ano yung timpla, so medyo relax na kaming mag-asawa sa ngayon,” chika pa ng aktor.

Planado na rin daw ang binyag ng bagets at ilan nga sa mga kukunin nilang ninang at ninong ay sina Angelica Panganiban at Sam Milby. “Actually, gusto ni Liv (palayaw ni Isabel), yung buong Banana Sundae family (ang kuning ninang at ninong). But sabi ko naman, ‘Isa lang ba yung anak natin? Puwede bang i-divide naman natin sa susunod?’” chika pa ng Banana Sundae comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending