14-anyos na dalagita patay, kapatid kritikal sa lumipad na gulong ng bus sa Koronadal | Bandera

14-anyos na dalagita patay, kapatid kritikal sa lumipad na gulong ng bus sa Koronadal

|April 25,2016
facebook
share this

14-anyos na dalagita patay, kapatid kritikal sa lumipad na gulong ng bus sa Koronadal

- April 25, 2016 - 01:54 PM

south cotobato
PATAY ang 14-anyos na dalagita, samantalang kritikal naman ang kanyang kapatid matapos silang tamaan ng isa sa dalawang gulong na lumipad mula sa isang bus na dumaan sa Koronodal City, kamakalawa, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni Supt. Barney Condes, city police chief ang biktima na si Tricia Alberio, ng Purok Artisean, Barangay San Roque. Malubha naman ang kanyang kapatid na si Dodong, 10.
Sinabi ni Condes na base sa imbestigasyon, tinatahak ng Yellow Bus (A-59) ang diversion road sa Barangay San Roque habang papunta ng General Santos City ganap na alas-4 ng hapon nang biglang natanggal ang dalawa sa apat na gulong sa likuran habang dumadaan sa paakyat na kalsada.

Sinabi ng residente na si Gaudencio Bayonal, 49, ginagamit ang barangay bilang diversion route matapos namang barhan ng mga nagpoprotestang magsasaka ang main highway noong Linggo.

Ginagamot ang kapatid ni Tricia sa South Cotabato provincial hospital, samantalang dinala naman ang mga labi ng biktima sa isang funeral parlor.

Nangako naman ang pamunuan ng Yellow Bus na magbibigay ng tulong pinansiyal sa pamilya ng biktima.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending