John Lloyd gusto lang mambuntis, ayaw magpakasal | Bandera

John Lloyd gusto lang mambuntis, ayaw magpakasal

Ambet Nabus |April 18,2016
facebook
share this

John Lloyd gusto lang mambuntis, ayaw magpakasal

Ambet Nabus - April 18, 2016 - 02:00 AM

john lloyd cruz

Mas mahirap kayang maging ama o tatay kesa sa maging asawa? Natawa kami sa naging pahayag ni John Lloyd Cruz na ready na siyang magkaanak pero ang pag-aasawa ay ibang usapan na raw.

Unless kapatid na Ervin, siya yung tipong mambubuntis lang at magbibigay ng sustento sa kanyang anak, period. Napakadali nga niya itong magagawa anytime na gustuhin niya, di ba?

Pero hindi ganyan ang magiging sitwasyon ng karakter niya sa upcoming rom-com movie ng Star Cinema na “Just The 3 Of Us” na dinirek ng tugang-kumare naming si direk Cathy Garcia-Molina.

Ito nga yung kauna-unahan nilang tambalan ni Jennylyn Mercado na tinatawag na nga-yong rom-com sweetheart ng showbiz dahil puro box-office ang mga past movies niya at nabigyan pa ng Best Actress awards.

Hmmmm, baka hindi nabigyan ng bonggang lecture ni Jen si Lloydie kung paanong maging isang parent dahil parang “donor” lang ang peg ng statement nitong ready na siyang magkaroon ng anak anytime he wants but getting married…is another story to tell.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending