Roxas tinawag na bayot ni Duterte | Bandera

Roxas tinawag na bayot ni Duterte

Leifbilly Begas |April 07,2016
facebook
share this

Roxas tinawag na bayot ni Duterte

Leifbilly Begas - April 07, 2016 - 03:40 PM

mar roxas
Dapat umanong mahiya si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang mga pinagsasabi sa media bilang tugon sa mga lehitimong puna sa kanya.
Ito ang sinabi ni administration candidate Mar Roxas matapos siyang tawaging ‘bayot’ (bakla) ni Duterte.
“Alam mo ito lang masasabi ko. Digong hindi ka ba nahihiya sa kababayan natin? Binigyan kita ng facts, datos, katotohanan. Ang iyong masasagot lang ay paninira, name-calling,” ani Roxas na nangampanya sa Guimaras kahapon.
Sinabi ni Duterte na ‘bayot’ si Roxas dahil hindi nito kayang pumatay ng kriminal.
Dagdag pang tugon ni Roxas: “Hanggat diyan lang ba ang kakayahan mo? Ang makapag-argue ang pag-discuss ng mahahalagang isyu na siyang bumabalot sa buhay ng ating kababayan.”
Ilang beses na nagmura si Duterte upang laitin si Roxas.
“Wala, si Mar, bayot. Hindi niya kaya. Hindi. Kaya ko (pumatay) kasi lalaki ako,” ani Duterte. “Hindi ka lalaki, papaano ‘yan? Takot kang pumatay, takot kang mamatay. Eh subukan mo ako. Maghawak ka ng shabu sa harap ko, pasabugin ko ulo mo.”
Sinabi ni Duterte na walang paki-alam si Roxas kung isang araw ay patayin niya ang mga adik. Ipinagmalaki niya rin na nagawa na niyang pumatay noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending