Mariel saludo sa pagtulong ni Binoe sa mga taga-Kidapawan | Bandera

Mariel saludo sa pagtulong ni Binoe sa mga taga-Kidapawan

Ervin Santiago |April 05,2016
facebook
share this

Mariel saludo sa pagtulong ni Binoe sa mga taga-Kidapawan

Ervin Santiago - April 05, 2016 - 02:00 AM

robin padilla

Siyempre, super proud ang It’s Showtime host na si Mariel Rodriguez sa kanyang mister na si Robin Padilla sa ginawa nitong pagtulong at pakikiramay sa pamilya ng mga magsasakang nabiktima ng kaguluhan sa Kidapawan, North Cotabato.

Suportado ni Mariel ang kanyang asawa sa mga ginagawa nitong charity works sa iba’t ibang panig ng bansa, lalo na kapag may mga kababayan tayong naaapi at naagrabyado. Isa si Binoe sa mga unang nagpunta nang personal sa Kidapawan para makiramay at magbigay ng tulong sa mga bigktima na karahasan sa nasabing probinsya matapos ngang mabalita ang nangyari sa mga magsasakang lumahok sa rally noong April 1 sa Kidapawan dahil sa kagagawan diumano ng mga pulis doon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mariel ng isang litrato kung saan makikitang yakap-yakap si Binoe ng isang magsasaka na nagpasalamat sa pagpunta nito roon at sa pagbibigay ng 200 daan sako ng bigas.

Nilagyan pa ni Mariel ang photo ng caption na: “That’s why we all love you!!! “This morning my husband left for Davao to mourn with the families of the farmers in Kidapawan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending