Gloc 9 hihingi lang ng tawad kung mapatutunayang nagkasala siya | Bandera

Gloc 9 hihingi lang ng tawad kung mapatutunayang nagkasala siya

Ervin Santiago |April 01,2016
facebook
share this

Gloc 9 hihingi lang ng tawad kung mapatutunayang nagkasala siya

Ervin Santiago - April 01, 2016 - 03:00 AM

GLOCK 9 AT CHITO MIRANDA

GLOCK 9 AT CHITO MIRANDA

MAINIT pa ring pinag-uusapan ngayon ng mga netizen sa social media ang pagkanta ng premyadong rap icon na si Gloc 9 sa kampanya kamakailan ng mga Binay sa Makati City.

Maraming nam-bash kay Gloc 9 dahil dito, sabi ng ilang followers niya, pera-pera lang daw pala ang OPM artist. Bakit daw pumayag siyang mag-perform sa stage ng pamilya Binay kapalit ng malaking halaga. Sana raw kung sino ang iboboto niya sa darating na eleksiyon, iyon na lang ang ikampanya niya.

Ngunit ayon naman sa management ng award-winning rapper, kumanta lang doon si Gloc 9 para magbigay ng entertainment sa mga tao hindi para ikampanya ang mga Binay.

Kung merong bumatikos sa rap icon, meron ding mga kumampi at nagtanggol dito, kabilang na si ang vocalist ng Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda. Sa kanyang Instagram account, ni-repost nito ang naging pahayag ni Gloc 9 tungkol sa issue.

Sabi ni Chito, “Relax lang parekoy! Smart people will understand and respect you…the others who don’t, don’t matter. #Repost @glocdash9.”

Narito naman ang kabuuang pahayag ni Gloc 9 para idepensa ang kanyang sarili: “Pinag sabihan po ako ng aking management na huwag nang magsalita tungkol dito pero di ko po kaya.

“Nais ko pong malaman ng lahat na nababasa ko ang mga saloobin ninyo at nirerespeto ko ito kahit na minsan masasakit na ang mga salitang kasama nito. Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nagsasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO.

“Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanap buhay ko. Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko.

“Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayon paman i wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin.

“At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan. Salamat po. Gloc-9.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending