Alden Richards ligtas sa aksidente, pero bumper ng sasakyan nasira | Bandera

Alden Richards ligtas sa aksidente, pero bumper ng sasakyan nasira

Ervin Santiago - March 04, 2016 - 04:22 PM

SI ALDEN RICHARDS AT ANG SIRANG BUMPER NG KANYANG SASAKYAN. Photos mula sa Tweeter at Instagram

SI ALDEN RICHARDS AT ANG SIRANG BUMPER NG KANYANG SASAKYAN. Photos mula sa Twitter at Instagram

WASAK ang harapan ng sasakyan ni Alden Richards matapos maaksidente kaninang umaga.

Pero ayon sa Pambansang Bae, walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagasuporta dahil maayos naman daw ang kundisyon niya matapos ang aksidente.

Sa kanyang Twitter account, nag-post ito ng mensahe para sa AlDub Nation at sa lahat ng Dabarkads na hindi naman siya nasaktan. “Ok lang po ako!” ang maikling tweet ng Kapuso matinee idol.

Kasabay nito, nag-tweet din ang tatay ni Alden na si Richard Faulkerson, Jr. para siguruhin sa fans ng anak at ni Maine Mendoza na walang nangyaring masama sa binata. “Don’t worry guys…Just a light car accident. #thankyouLord!” anito.

Ligtas din daw ang assistant ni Alden na si Tenten matapos ang insidente. Ayon pa kay Mark Sablan ng GMA Artist Center, “Thanks 4 the concern, guys. Happy 2 share that #AldenRichards is FINE after the car accident this AM. Si Mama TenTen din! #ALDUBRegaloNiLola!”

Kahapon, kumalat sa social media ang ilang litrato na kuha sa pinangyarihan ng aksidente, ang isa nga rito ay ang picture ng sasakyan ni Alden na wasak ang bumper at ang isa naman ay ang kuha kay Alden habang nakaupo sa tabi ng kalsada.

Isang photo collage naman ang nakita namin sa social media kung saan makikita ang itim na sasakyan ni Alden na tila bumangga sa isang sasakyan na nasa harapan nito. Hindi lang malinaw kung ito ba ang naging sanhi ng pagkasira ng bumper ng sasakyan.

Narito naman ang official statement ng GMA 7 sa pamamagitan ni Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz: “Kapuso star Alden Richards figured in a minor vehicular accident this morning. We would like to assure his fans and his supporters that Alden is safe and doing well. Alden would like to thank everyone for praying for his safety.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending