Jonalyn Viray certified kapamilya na: Kinakabahan na nga po ako, e! | Bandera

Jonalyn Viray certified kapamilya na: Kinakabahan na nga po ako, e!

Ervin Santiago |February 27,2016
facebook
share this

Jonalyn Viray certified kapamilya na: Kinakabahan na nga po ako, e!

Ervin Santiago - February 27, 2016 - 02:00 AM

jonalyn viray

NATUPAD na ang pangarap ng dating Kapuso performer na si Jonalyn Viray – isa na siya ngayong certified Kapamilya.

Si Jonalyn ang kumanta ng theme song ng bagong Kapamilya teleserye na We Will Survive, ang “I Will Survive” starring Pokwang and Melai Cantiveros. In fairness, talagang nagulat ang entertainment press nang biglang pumagitna sa stage si Jonalyn at bumirit ng “I Will Survive.”

Ipinakilala siya sa presscon bilang Ms. Jona, ang bago niyang screen name. Ayon sa dalaga, “Siyempre po, very happy at kinakabahan po ako. Kinakabahan, yes, kasi siyempre bagong environment, bagong makakatrabaho.

Pero masaya po ako kasi bagong experiences po ito para sa akin, so nae-excite po ako.” Nagdesisyon siyang lumipat na sa ABS dahil, “Mas nabigyan po nila ako ng tiwala sa ngayon at, kumbaga, meron pong naka-line up talaga na project for me.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending