Paulo Avelino epektib na panira sa loveteam nina James at Nadine | Bandera

Paulo Avelino epektib na panira sa loveteam nina James at Nadine

Reggee Bonoan |February 19,2016
facebook
share this

Paulo Avelino epektib na panira sa loveteam nina James at Nadine

Reggee Bonoan - February 19, 2016 - 03:00 AM

JAMES REID, NADINE LUSTRE AT PAULO AVELINO

JAMES REID, NADINE LUSTRE AT PAULO AVELINO

NABUO ang karakter ni Paulo Avelino bilang si Simon sa OTWOL para mailabas ang kahinaan ng karakter ni James Reid bilang si Clark.

Tinanong kasi namin kung sa umpisa pa lang ay may Simon na o sa huli na lang nabuo ang karakter nito, “Napag-usapan namin simula pa lang, kasi ang karakter ni Clark ay almost perfect, so kailangan ng outside forces na makakapagpalabas ng flaws niya na isang perfect character. Si Clark, di ba lahat ng gagawin niya is for the love of Leah (Nadine).”

Sabi namin, in reality ay puwedeng magkatuluyan talaga sina Leah at Simon lalo na kung matagal na silang hiwalay ni Clark, pero dahil hindi gusto ng fans na nagwawala na at talagang kino-call ang attention ng mga direktor ng serye kaya magkakabalikan ang dalawa.

“Ay hindi dahil gusto ng fans kundi nasa story talaga siya na si Leah ay hindi talaga nagkagusto kay Simon, kahit minsan. Kaya doon lumabas ‘yung flaw ni Clark na kinakain siya ng insecurities niya kasi ilang beses sinabi ni Leah at ilang beses niyang napatunayan na wala talaga at hindi sumagi sa isip niya na maging sila ni Simon,” ani direk Tonet.

Ang trailer na ipinapakitang planong i-divorce ni Leah si Clark ay ibang istorya na at two years later na, “Parang nagbago na, kasi nag-break na sila, nag-fall apart na ‘yung marriage nila, so itong si Simon, susubukan niya like any man in love,” biting kuwento ni direk Tonet.

At kung magtatagumpay ba si Simon sa huli, “Malalaman natin. Ha-hahaha! Abangan mo na lang,” tumawang sagot sa amin ng direktora.

Dagdag pa nito, “Pero I think from the start clear ang character ni Leah na si Clark ang mahal niya, pumunta siya sa Amerika hindi para makipag landian kundi para sa tatay.”

At tungkol naman sa komento ng avid viewers ng OTWOL na nagagalit dahil pinaghiwalay sina Clark at Leah, sabi ni direk, “Una siyempre, mahal namin ‘yung nagawa naming kuwento, hindi maiiwasan na ang first na gagawin mo is to defend, pero after that you defend it to yourself, e, hindi mo naman kasi mapi-please ang lahat, pero ang pinaka-okay doon ay may discussion at nakakatuwa teleserye lang siya, pero kung ipagtanggol ng (viewers) ay akala mo bestfriends nila, akal mo kabarkada nila ‘yung dalawa.

“Nakakatuwa na nagkaroon ng ganu’n affinity ang viewers sa mga characters na ipaglalaban talaga nila, so hindi na lang siya usual na teleserye you watch in the beginning and when it ends, you eat after or you sleep. And you still discuss the next day. So for me, maganda ang effect, parang it went beyond entertainment,” paliwanag pa sa amin.

At dahil literally and figuratively hot ngayon si direk Tonet, ay wala pa ba silang plano ni direk Dan na lumagay sa tahimik, “Wala pa, saka na, work muna, sayang, eh,” ani direk.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending