Quantcast
Bukod sa pagbili ng bahay, pinag-awayan din ang barkada

Chito Miranda, iba pang taga-showbiz damay sa hiwalayang Angel-Luis

By

luis manzano

In-unfollow na ni Luis Manzano sa Instagram ang ex-girlfriend niyang si Angel Locsin. Kung hindi kami tinawagan ng isa naming source na isa rin sa nagbuking na hiwalay na ang dalawa ay hindi namin malalamang dedma na ang host ng Pilipinas Got Talent sa ex-girlfriend niya na isa naman sa hurado ng PGT Season 5.

Bungad sa amin ng source sa kabilang linya,“Nabasa mo na ba IG post ni Angel, binanggit niyang ‘ex’ niya si Luis, so kinumpirma na niyang hiwalay na talaga sila. “Kasi naman hindi pa kaagad sinabing hiwalay, bakit idinenay pa niya kay Boy Abunda na ‘hindi pa.’

Nu’ng time na pumutok na wala na sila, that’s it, ‘yun na ‘yun!” dagdag pa nito. Habang nakikinig kami sa aming kausap sa kabilang linya ay binuksan namin ang IG ni Angel (@therealangellocsin) na may 1.7M followers, may naka-post doon na video kung saan kumakanta si Luis habang bi-nabasa ang lyrics sa cellphone at nakaupo sa couch, pero naputol ito sabay dialogue ng binata na, “Ha-haha! Nabitin.”

Nilagyan pa ito ni Angel ng caption na, “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing, ‘love yourself.’ Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls. like this. #mabuhayangta-ngasapagibig.”

Binasa namin ang mga komento sa IG post na yun ni A-ngel at may nagsabing tsinek talaga, totoong in-unfollow na nga ni Luis ang dalaga. Hirit naman ng isang supporter ng aktres, “Gel, don’t worry dito lang kami.”

Kuwento pa ng aming source, “Ang dami palang reasons kaya sila naghiwalay, patong-patong na, so hindi na nagkasundo. “Recently lang din nakuwento, pinag-awayan din nila ng matindi ‘yung paglabas-labas ni Angel with some friends na I’m not sure kung kasundo ni Luis o hindi.

“Mahilig pa rin kasing lu-mabas si Angel kasama ‘yung ibang friends na related din sa showbiz,”sabi sa amin. Pero sabi namin hindi ganito ang pagkakakilala namin sa aktres dahil ang alam namin ay homebody ang dalaga at kung lalabas man siya ay minsan lang.

Mas gusto pa nga nitong magkulong sa kuwarto niya at titigan ang apat na sulok ng kanilang bahay. At higit sa lahat bossing Ervin, mahilig matulog si Angel. Muli naming binalikan ang IG posts ni Angel at nakita na-ming 5 days ago pa ang mga posts niya.

Meron doong picture kung saan kasama niya ang kaibigang bokalista ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda na nagdiwang ng 40th birthday kasama ang asawang si Neri Naig at ibang mga kaibigan. Kuha raw yun sa Club Balai I-sabel Hotel sa Batangas.

Wala si Luis sa event kaya tinanong si Angel ng follower niya na si @jasmantilla, “Why Luis hes not there with you?” Kung five days ago ‘yun, natural na hindi kasama ang TV host-actor dahil hiwalay na sila ng aktres that time.

Isa kaya ang sinasabing paglabas-labas ni Angel kasama ang mga kaibigan sa mga ayaw ni Luis?
May isa pang kuwento sa amin ang source, “Hindi pabor si Luis sa binibiling bahay ni Angel somewhere in Taguig (McKinley Hills) kasi katwiran ni Luis, para saan pa, e, may bahay na sila pareho.

Di ba may bahay si Angel sa Commonwealth?” Oo, pero kung tama ang pagkakatanda ko ay ibibigay ni Angel ang bahay niya sa Commonwealth sa daddy niya at mga kapatid na kasalukuyang nakatira roon.

Medyo malaki ang pamilya ni Angel at sa katunayan ay nabili na rin nito ang katabing lupa ng bahay niya para i-extend ang property na palalagyan niya ng swimming pool. Pero nakakapagtaka nga, aanhin ni Angel ang isa pang bahay kung puwede pa rin naman siyang tumira sa Commonwealth hangga’t hindi pa siya nag-aasawa?

Dahil kung sakaling ikakasal na sila ni Luis ay ang aktor naman ang magpo-provide ng bahay para sa kanya, so bakit kailangan nga ng dalawang bahay? Hindi praktikal dahil mahal ang maintenance at mahal ang amilyar sa Taguig City.

Hindi kaya gusto lang magsiguro ni Angel na kung sakaling maghiwalay sila ni Luis ay meron pa rin siyang uuwiang sariling bahay? Anyway, successful ang second surgery ni Angel na ginawa sa Mount Elizabeth Hospital sa Si-ngapore kung saan pinuntahan siya mismo ng mga kaibigan niya sa ABS-CBN.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement