Sikat na male personality bantay-sarado sa babaeng masahol pa sa ‘Doberman’ | Bandera

Sikat na male personality bantay-sarado sa babaeng masahol pa sa ‘Doberman’

Cristy Fermin |February 14,2016
facebook
share this

Sikat na male personality bantay-sarado sa babaeng masahol pa sa ‘Doberman’

Cristy Fermin - February 14, 2016 - 02:00 AM

blind item male female

OKEY lang kuno sa okey ang pakikisama ng isang sikat na lalaking personalidad sa mga taong nakasama niya nang mahabang panahon nu’ng walang-wala pa siya sa buhay.

Walang amnesia ang male personality, lalong wala siyang stiff neck, marunong siyang magpasalamat at makaalala sa mga taong malapit na sa kanya nu’ng mga panahong butas pa ang kanyang bulsa.

Walang masasabi sa kanyang ugali ang mga nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa, champion na champion ang ugali ng sikat na lalaking personalidad.

Pero may pumipigil sa kanya, parang magnet ang ugali ng taong ‘yun na kapag kasama ng male personality ay bigla siyang nagbabago, bantay-sarado ang babae sa sikat na lalaki.

“Para siyang doberman na palaging nakabuntot kay ____ (pangalan ng sikat na male personality). Kahit saan magpunta ang guy, palaging nakasunod ang girl. Parang lagi siyang nagdududa na baka umalpas na naman ang very generous na palad ng lalaki.

“Siya kasi ang humaharang sa gustong gawin ng lalaki, siya ang parang nagmamando, kung gaano ka-generous ang lalaki, matindi naman ang pagiging kuring ng girl. “Sabi nga ng mga miron, e, para namang siya ang dahilan kung bakit nagkadatung ang lalaki.

Hindi, ‘no! Wala siyang kahirap-hirap du’n, ang guy lang ang makaaangkin sa dahilan kung bakit siya sumikat at yumaman!” madiin pang komento ng aming source. ‘Yun na ang palatandaan.

Basta kasama ng sikat na male personality ang kuripot na babae, wala ring matatanggap na biyaya ang mga dati niyang kaibigan, waley!

“Bradly Guevarra, pakyawin ba ang kakuriputan sa balat ng lupa? Ispilengin mo nga ang babaeng ‘yan na makunat pa sa inuyat!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending