Pakakasalan na kaya ng ka-live in? | Bandera

Pakakasalan na kaya ng ka-live in?

Joseph Greenfield |February 13,2016
facebook
share this

Pakakasalan na kaya ng ka-live in?

Joseph Greenfield - February 13, 2016 - 02:17 PM

Sulat mula kay Amelia ng San Francisco,  Bombon, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Sa darating na February 14 mag-a-apat na taon na kaming nagsasama ng ka-live in partner ko na si Jerry at may isang anak na kaming babae. Kaya lang noon nya pa sa aking sinasabing magpapakasal kami, pero hanggang ngayon di pa nya tinutupad, ako naman si asa na lang ng asa na parang wala namang aasahan. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil tulad ng ibang mga babae, pangarap ko rin lumakad sa harap ng altar at mag-suot ng damit pang-kasal at magkaroon ng legal na asawa. Sa palagay nyo may pag-asa kayang pakasalan ako ng kinakasama kong ito kahit na civil wedding lang kung talagang di naman kaya ang kasal sa simbahan? Natatakot din akong baka bigla na lang nya akong iwanan at sa bandang huli ay ibang babae ang kanyang pakasalan. Compatible ba kami at kami na ba ang magsasama habang buhay? May 2, 1989 ang birthday ko at January 17, 1983 naman ang birthday ng lalaking kinakasama ko.
Umaasa,
Amelia ng Bombon, Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang namataang malinaw, makapal at mahabang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung sino ang kinakasama mo sa ngayon at sabi mo nga ay may anak na pala kayong isa, malinaw ang magaganap – pakasalan ka man niya o hindi kayo parin ang magkakatuluyan at magsasama habang buhay.
Cartomancy:
Seven of Hearts, King of Hearts at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mahal na mahal ka ng iyong ka-live-in partner at tapat siya sa iyo, kung saan, ngayon palang hindi lang niya sa iyo pinapahalata nagbabalak na siyang ikaw ay pakasalan at ang pagpapakasal na ito ay posibleng maganap sa susunod na taong 2017.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending