Ginang pinagbabaril ng mister na pulis, patay | Bandera

Ginang pinagbabaril ng mister na pulis, patay

John Roson |February 12,2016
facebook
share this

Ginang pinagbabaril ng mister na pulis, patay

John Roson - February 12, 2016 - 04:58 PM

davao city
Naglunsad ng manhunt operation ang mga pulis laban sa isang kabaro na bumaril at nakapatay sa kanyang misis sa Davao City ngayong araw, dalawang araw bago mag-Valentine’s Day.

Napatay sa insidente si Lorna Adug, misis ng suspek na si PO3 Arvin Adug ng Davao del Sur Provincial Public Safety Company, sabi ni Chief Insp. Andrea dela Cerna, tagapagsalita ng Southern Mindanao regional police.

Pinagbabaril si Lorna ng kanyang mister sa tapat ng isang Internet cafe sa Sta. Ana Ave. dakong ala-1:50 ng umaga.

Unang nakitang nagtatalo ang mag-asawa, hanggang sa bumunot ng baril si PO3 Adug at pinagbabaril ang misis, ani Dela Cerna, gamit bilang basehan ang ulat ng Davao City Police.

“As far as we know, mayroon silang marital issues but di naman na-specify ng relatives and witness,” ani Dela Cerna nang tanungin kung anong pinag-awayan ng mag-asawa.

Dinala pa si Lorna sa San Pedro Hospital dahil sa dalawang tama ng bala sa likod at dalawa sa kanang binti, pero binawian ng buhay, ani Dela Cerna.

Nakatagpo ang mga rumespondeng pulis ng dalawang basyo ng kalibre-.9mm pistola sa crime scene.

Naglunsad ng manhunt operation ang Davao City Police Station 1 (Sta. Ana) laban kay PO3 Adug, na agad tumakas matapos ang insidente, ani Dela Cerna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending