PUP prof pinatay sa condo | Bandera

PUP prof pinatay sa condo

Lisa Soriano |February 12,2016
facebook
share this

PUP prof pinatay sa condo

Lisa Soriano - February 12, 2016 - 07:31 AM

NALILIGO sa sariling dugo ang isang professor ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) nang datnan sa kanyang condominium unit sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Naniniwala ang pulisya na ninakawan muna bago pinatay si Isagani Santa Maria, 57, ng Geenery Building, One Metropolitan Condominium sa Edang st., Brgy. 153, Zone 16.

Nagtamo si Sta. Maria, na mag-isang nakatira sa condo, ng ilang saksak sa katawan.

Ayon sa ulat, pinuntahan ng kanyang mga kasamahan sa simbahan ang propesor sa kanyang unit upang ipaalala ang kanyang obligasyon alas-7:55 ng gabi subalit nadatnan nila itong wala nang buhay.

Sinabi ni Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, na huling nakitang buhay ang biktima alas-6 ng gabi na kasama ang isang pedicab driver. Umakyat umano ang dalawa sa unit ng biktima na may dalang mga pinamili.

Napag-alaman na nawawala ang wallet at cellphone ng biktima.

Pinaghahanap na ng pulisya ang pedicab driver na hindi muna pinangalanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending