Paglipat ni Kylie sa ABS naharang, gaganap na Amihan sa Encantadia | Bandera

Paglipat ni Kylie sa ABS naharang, gaganap na Amihan sa Encantadia

Reggee Bonoan |February 11,2016
facebook
share this

Paglipat ni Kylie sa ABS naharang, gaganap na Amihan sa Encantadia

Reggee Bonoan - February 11, 2016 - 02:00 AM

robin padilla

HINDI naman pala totoong lilipat si Kylie Padilla sa ABS-CBN tulad ng nabalitaan namin kamakailan dahil makakasama nga ito sa remake ng fantaseryeng Encantadia ng GMA 7 ngayong taon.

Unang narinig namin ay gusto rin daw kasi ni Robin Padilla na makasama ang anak sa Kapamilya network since nakabalik na rin doon ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at vocal naman din ang aktor at Pilipinas Got Talent Season 5 judge na gusto niyang makasama sa isang project ang anak niyang dalaga.

Bukod dito ay interesado rin daw ang ABS-CBN kay Kylie dahil magaling siya sa action, may alam din kasi sa martial arts ang dalaga na wala siyang wala sa Dos.

Pero ang sagot ng manager ng aktres na si Betchay Vidanes nang tanungin namin kahapon tungkol dito, “Okay naman po kami sa GMA 7, gagawin nga namin ang Encantadia.”

Sa Setyembre ngayong taon matatapos ang kontrata ni Kylie at sa pagpasok nga ng Bagong Taon ay inalok na raw sila ng GMA para sa bagong version ng Encantadia bilang si Princess Amihan na ginampanan noon ni Iza Calzado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending