Pasabog ni Duterte: Kriminal walang paglalagyan | Bandera

Pasabog ni Duterte: Kriminal walang paglalagyan

|February 10,2016
facebook
share this

Pasabog ni Duterte: Kriminal walang paglalagyan

- February 10, 2016 - 11:45 AM

“I WILL have criminals killed and I don’t like drugs. Get out of here if you’re into drugs.”

Ganito ang ginawang pagbabanta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanyang unang pasabog sa pangangampanya Martes sa Tondo, Maynila.

Si Duterte, ang standard-bearer ng Partido Demokratiko Pilipinas-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), kasama ang kanyang running mate na si Senador Alan Peter Cayetano, dumating Martes pa lang ng madaling araw sa Lavezares at Delpan street sa Tondo, Maynila.

Mahigit sa 6,000 ang dali-daling lumabas ng kanilang mga bahay para lang makita at makausap si Duterte. Halos lahat ay gustong makipag-selfie sa mayor.   Lumapit naman ang alkalde at ang ibang babae ay hinalikan pa niya, habang paulit-ulit na sinasabi ang kanyang kampanya na walang paglalagyan sa kanyang administrasyon ang mga drug pusher at kriminal.  Nakisalo rin siya sa almusal ng noodles, pritong itlog at tinapay bago umalis ng alas-3 ng umaga.

Ang madaling araw na kampanya ay bahagi ng kanilang “kalye serye” style, na gaya sa segment ng isang noontime show na nagpasikat ng AlDub love team.

Martes naman ng gabi ng humarap sina Duterte at Cayetano para ihain ang kanilang plataporma na siya umanong magwawakas ng kahirapan sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending