DFA napahiya sa patutsada ni Vice Ganda sa pagpapalabas ng pirated na movie | Bandera

DFA napahiya sa patutsada ni Vice Ganda sa pagpapalabas ng pirated na movie

|February 07,2016
facebook
share this

DFA napahiya sa patutsada ni Vice Ganda sa pagpapalabas ng pirated na movie

- February 07, 2016 - 02:55 PM

SINAGOT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga patutsada ni Vice Ganda hinggil sa umano’y pagpapalabas ng pirated na kopya ng pelikulang “A Second Chance” sa isang tanggapan nito.

Sinabi ng DFA nitong Linggo na walang pahintulot ng ahensiya ang pagpapalabas ng nasabing pirated movie ng “A Second Chance” nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa kahit saang tanggapan nila.

Inilabas ng DFA ang pahayag matapos magpatutsada si Vice Ganda sa kanyang Twitter account sa DFA dahil sa ginawang pagpapalabas ng pirated movie sa isang opisina nito na nasa loob ng isang mall sa Mandaluyong City.

Sinabi ng DFA na pinaiimbestigahan na nila ito, at nangakong paparusahan ang personnel na may kagagawan nito.

“The Department of Foreign Affairs has never authorized any showing of pirated movies in any of its passport satellite offices in Metro Manila. We are looking into the complaint and personnel found involved will be dealt with disciplinary action in accordance with existing rules and regulations,” ayon sa pahayag ng DFA.

Nitong Pebrero 5, ni-retweet ni Vice Ganda ang tweet ng Star Cinema’s advertising and promotions manager na si Mico del Rosario na may kalakip na larawan ng DFA office sa Ali Mall na nagpapalabas ng nasabing piniratang pelikula.

Ayon sa caption:  “Dear DFA Ali mall, bakit po kayo nagpapalabas ng pirated copy ng A Second Chance diyan? Blatant na po talaga ang paglabag sa batas? Umm… Government agency po kayo?”

Sa kanyang tweet, sinabi naman ni Vice Ganda : SCREEN-GRABBED FROM VICE GANDA'S TWITTER ACCOUNT

SCREEN-GRABBED FROM VICE GANDA’S TWITTER ACCOUNT

Nagpatawa pa ang komedyante na baka raw gusto rin ng DFA na ipalabas ang piniratang pelikula niya na nanguna sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015 na“Beauty and the Bestie”.

“Langya magpalabas ba ng pirated na A Second Chance e meron namang pirated na Beauty and the Bestie!!! Chozzzz!#NoToPiracy,” say pa ni Vice Ganda

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending