Horoscope, February 07, 2016 | Bandera

Horoscope, February 07, 2016

Madam Sophia |February 07,2016
facebook
share this

Horoscope, February 07, 2016

Madam Sophia - February 07, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Bukod sa pagbo-blow-out, simulan ang araw sa pagsisimba. Isama ang kasuyo sa anumang lugar na may kaugnayan sa religious service. Sa ganyang paraan, tuluy-tuloy ang pasok ng suwerte at magandang kapalaran sa taong ito ng 2015. Mapalad ang 4, 7, 20, 27, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Green at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging “low profile”. Wag dominahan ang kasuyo upang wag siyang magtanim ng galit at sama ng loob, lalo na’t malapit na ang Araw ng mga Puso. Mapalad ang 9, 18, 21, 28, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Sikaping mapaligaya ang kasuyo upang habang lumalapit ang Valentine’s day lalo pang umigting ang inyong relasyon. Kapag laging masarap at magana ang samahan mas madaling makakamit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Hare-Krisnah-Om.” Lilac at black ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) – May oportyunidad na darating na may kaugnayan sa pangingibang bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, wag ng pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, ka-tugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Yasoda-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Pera na naman ang magiging problema! Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sundin ang suwestyon ng kasuyo, maging maingat sa pera, magtipid-tipid muna at wag mapapautang sa mga manunuba at balasubas. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Budhananda.” White at magenta ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Wag patulan ang isang kasamahang atrabida, sisirain lang nya ang araw mo. Mag-concentrate sa ginagawa wag masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa kasuyo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, mauunawaan ka niya. Mapalad ng 1, 4, 16, 24, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Kedemel.” Yellow at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Isang nilalang na kayumangi at kulot ang buhok ang dapat iwasan upang hindi mapahamak ang love life. Sa pinansyal, kung sakali mang magkaroon ng hindi masayang love life, ang kapalit naman nito ay malaking tagumpay sa career. Mapalad ang 5, 9, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Rama-Krisna-Om.” Gray at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) – Magiging magara ang kapalaran! Magkahalong suwerte at malas ang darating. Sa pag-ibig, sisisihin ka na naman ng kasuyo sa kasalanang hindi mo naman ginawa — wag sabayan ang kanyang galit! Mapalad ang 3, 9, 29, 33, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Aum-Bodhana.” Lilac at gold ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Labis lamang ang pagmamahal sa iyo ng kasuyo kaya siya madalas mag-selos. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang mawala ang pagka-praning. Sa pinansyal, upang yumaman magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Walang ibang maaasahan upang umunlad at umangat ang kabuhayan ng inyong pamilya kundi ikaw. Kaya obligado kang magsipag! Sa pag-ibig, iwasang awayin ang kasuyo, upang wag mapurnada ang mainit na romansa sa darating na Valentine’s day. Mapalad ang 3, 15, 27, 37, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Pink at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Gagantimplaan ka ng tadhana dahil sa pagiging matungin. Kusang madadagdagan ang kinikita habang tumutulong ka sa iyong kapwa. Sa pag-ibig, lalong iinit ang pakikipagniig sa isang Cancer. Mapalad ang 8, 14, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Govinda-Om.” Gold at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sariling intuition ang sundin upang kumita ng malaking halaga at upang habang buhay kang lumigaya. Sa pag-ibig, wag titigil — magmahal ka lang ng magmahal hanggang matuhog mo ang iyong soul mate. Mapalad ang 5, 19, 22, 31, 37 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Agiel, Om-Zazel.” Magenta at purple ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Panahon na upang pasyalan ang mga romantikong lugar. Iplano ang paglalakbay sa Boracay at Palawan ngayon pa lang paghandaan na ang Summer Vacation upang lalo pang uminit at sumarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 7, 13, 25, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at violet ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending