Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan? | Bandera

Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield |February 07,2016
facebook
share this

Ang ka-chat mate na ba ang makakatuluyan?

Joseph Greenfield - February 07, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Carla ng Caronga, Midsayap, Cotabato
Dear Sir Greenfield,
May ka-chat ako sa kasalukuyan na isang foreigner at matagal na kaming nagcha-chat. Magdadalawang taon na at regular ang communication namin. Kaya naman masasabing kahit hindi kami nagkikita ng personal ay halos kami na. Sabi nya sa akin sa May 2016 daw this year ay magbi-visit siya dito sa atin, upang yayain na akong pakasal. Itatanong ko lang kung matutuloy kaya ang balak nyang ito at siya na kaya ang makakatuluyan ko, malaki kasi ang agwat ng edad namin, October 14, 1989 ang birthday ko at siya naman ay February 17, 1975? Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan?
Umaasa,
Carla ng Midsayap, Cotabato
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bukod sa iisa lang ang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad, kapansin-pansin ding may malinaw na Travel Line (Illustration 1. 2-2 arrow 2.). Ibig sabihin, kung sino ang unang magiging boyfriend mo, personal man o sa internet lang malaki ang posibilidad na siya na ang iyong mapapangasawa at pagkatapos ng nasabing pag-aasawa, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Clubs, Nine of Hearts at Queen of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang iyong mapapangasawa at ang suwerteng ito ay magsisimula sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Setyembre.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending