Horoscope, February 06, 2016 | Bandera

Horoscope, February 06, 2016

Madam Sophia |February 06,2016
facebook
share this

Horoscope, February 06, 2016

Madam Sophia - February 06, 2016 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Habang nakasuot ng kulay na pula malaking halaga ang maibubulsa. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang araw ng mga puso, laging mag suot ng kulay na pula upang makaranas ng masarap na romansa. Mapalad ang 3, 12, 24, 30, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Bukod sa red buenas ang violet.

Aries – (Marso 21-April 19) – Kahit na may malaking gastusin, malaking halaga naman ng salapi ang biglang darating. Sa pag-ibig, ngayon pa lang pag handaan ang Valentine’s day. Mapalad ang 3, 8, 18, 27, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bis-Bnevit-Om.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag makuntento sa pag-tunganga, upang umunlad simulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain. Sa pag-ibig ngayon pa lang iplano na ang gagawing pakikipag-date sa kasuyong matampuhin. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Purple at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Mag-concentrate sa iisang gawain lamang, sa ganyang paraan mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, ibuhos ang lahat ng atensyon sa minamahal. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Silver at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – May babala ng karamdaman! Nangangailangan ng pahinga upang muling mapasigla ang pangangalakal. Sa pag-ibig, mag-request sa kasuyo ng pagkaing puro gulay at prutas upang ang immune system ay lumakas. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Pakikipagsosyalan ang susi upang umunlad. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, maaari mo silang pagkakitaan. Sa pag-ibig, sa isang social gathering makakatisod ka ng true love. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Kahit na maraming trabaho kailangang regular na mag-exercise. Aanin ang bulto-bultong salapi kung magkakasakit ka naman? Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang pribadong swimming pool. Mapalad ang 3, 12, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” White at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Oo nga’t hindi natatapos ang problema, pero kusa naman itong lumilipas. Tuloy mo lang ang nasimulang pagkakakitaan, malapit ka ng yumaman. Sa pag-ibig, kahit maraming problema busugin pa rin ang kasuyo sa romansa. Mapalad ang 1, 10, 19, 34, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Beige at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Wag pag-alinlanganan ang sariling kakayahan. Tiwala sa sarili, ang susi upang umunlad. Sa panahong papasok na ang buwan sa New Moon, kausapin ang sarili sa harap ng salamin bigkasin ang mahiwagang orasyon: “Ako ngayon ay may pambihirang kagandahan, maaakit ko ang kaligayahan at tagumpay!” Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 41 at 44. Green at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Sa pag-ibig, kahit pangit ang kasuyo, suwerte ka pa rin dahil pinagtiyagaan ka nyang mahalin. Sa pinansyal panatiliin ang ugaling “bukas-palad” upang lalo ka pang umunlad. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 36 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Galla-Om.” Red at black ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Mahirap magbago ng career! Ang mas mahalaga, makaipon ng maraming-maraming pera. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tatha-Yantra-Om.” Black at apple green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pag-ibig, kagaya ni Heart Evangelista at Kris Aquino, masusuong ka rin sa mga problemang may kaugnayan sa pakikipag-relasyon, ngunit sa bandang huli umasa kang magiging maligaya ka pa rin. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) – Maglinis ng mga abubot upang umaliwalas ang tahanan. Kapag malinis na ang lahat sa iyong silid may isang di inaasahang romansahang mararanasan. Sa pinansyal, isang negosyo lang ang dapat upang mas mabilis na umunlad. Mapalad ang 7, 16, 34, 42, 27 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Green at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending