Mga OFW uuwi sa Pinas para sa JaDine concert | Bandera

Mga OFW uuwi sa Pinas para sa JaDine concert

Reggee Bonoan |January 27,2016
facebook
share this

Mga OFW uuwi sa Pinas para sa JaDine concert

Reggee Bonoan - January 27, 2016 - 02:00 AM

james reid

SOLDOUT na pala ang Feb. 20, 2016 concert nina James Reid at Nadine Lustre na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum kaya nangangarag daw ang Viva Concerts dahil marami pang naghahanap ng tickets.

Sa totoo lang, marami rin kaming kakilalang uuwi ng Pilipinas para manood ng concert ng mga bida sa seryeng On The Wings Of Love at tinatanong kung may available tickets pa dahil soldout na nga raw sa online at magbabakasakali sila sa tickenet.

Kaya pinagsabihan pa namin sila na bakit sila uuwi kung hindi pa pala sila nakabili ng tickets.
Nagtanong din kami sa may kinalaman sa concert at nabanggit nga na general admission tickets na lang ang natitira.

Nalaman din namin na limitado lang ang complimentary tickets na ibinigay ng Viva dahil nga nabenta na lahat. E, kung marami pa palang hindi makakapanood, bakit hindi na lang gawing two nights ang concert ng JaDine para ma-accommodate lahat?

Pero sabi ng aming source, ito raw ang desisyon nina Viva boss Vic del Rosario at ABS-CBN TV Head Cory Vidanes. Sabi nga namin bakit hindi na lang sa Philippine Sports Arena ginawa ang concert para mas malaking venue, “Naku, sa tindi ng trapik at hirap pumasok, hindi advisable na doon gawin ang concert,” sagot sa amin ng source.

Ito naman ang tanong namin sa Viva Concerts at kay Ms. Cory, may complimentary tickets pa kaya silang ipamimigay para sa entertainment press?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending