Quantcast

Angel pagagalingin muna ang likod bago mag-darna

By

angel loocsin uli

BONGGA ang pambungad na pasabog ng 2016 kay Angel Locsin. Napakaganda ng trailer ng movie niyang “Everything About Her” kung saan makakasama niya for the first time ang idol-friend kumare nating si Gov. Vilma Santos.

Ang alam namin, bago magtapos ang January ay ipalalabas na ito kaya’t sagaran na ang post production and last minute final touches sa movie ng Star Cinema dahil halata namang pinaghandaan at pinaganda talaga ang kanilang opening salvo for the year.

Excited na kaming mapanood at marinig kay Angel ang lahat ng natutunan niya mula sa sa isang Vilma Santos, na very soon ay magiging future mother-in-law na niya. Ha-hahaha! Nagsiguro na talaga kami, di ba?

Kasama rin si Angel bilang isa sa bagong batch ng judges ng Pilipinas Got Talent, with Robin Padilla, Freddie Garcia at Vice Ganda. Siya ang nag-iisang babae sa grupo kaya’t masarap ding abangan ang kanyang kontribusyon sa mga okrayan, laitan at purihan sa naturang talent search.

And yes, dahil nga sa presence ng mga bagong hurado sa PGT ay tumaas bigla ang aming expectation sa programa kaya inaasahan namin na mas magagaling at pang-world class talaga ang mapipili nilang contenders na maglalaban-laban sa PGT stage.

Still on Angel, siya pa rin ang bet ng karamihan para magbida sa “Darna The Movie”. Baka nga pinaghihilom lang nang bongga-bongga ang naoperahang likod ng girlfriend ng ampon naming si Luis Manzano at very soon ay lilipad na rin bilang si Darna.

Isa rin kami sa nagdarasal na sana’y si Angel pa rin ang magbida sa muling paglipad sa big screen ng Pinay superhero dahil for us, siya pa rin ang perfect for the role. Pero sa pagkakaalam namin, kung hindi talaga pupuwede si Angel, nasa listahan na ang pangalan nina Liza Soberano at Nadine Lustre na puwede rin naman.

Sa opinyon naman ni Jake Cuenca na puwede ring i-consider si Sarah Lahbati para gumanap na Darna, gusto lang naming magkomento. No offense meant sa napakagandang asawa ni Richard Gutierrez na very soon ay gaganap naman sa TV remake ng Ang Panday sa TV5, agree kami sa comment ng ilang netizens na mas gusto nilang single ang gumanap na Darna.

Parang off naman daw na isa nang mommy ang lululon ng mahiwagang bato. Hindi man magandang pakinggan, pero disadvantage nga para sa isang nanay na ang naturang role, unless, maisipan ng ABS-CBN na palabasing may asawa at may anak na si Narda.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement