Erich, Daniel grabeng maglandian sa taping ng 'Be My Lady' | Bandera

Erich, Daniel grabeng maglandian sa taping ng ‘Be My Lady’

Ambet Nabus |January 11,2016
facebook
share this

Erich, Daniel grabeng maglandian sa taping ng ‘Be My Lady’

Ambet Nabus - January 11, 2016 - 02:00 AM

erich gonzales

Balita naming napaka-smooth sailing ng taping ng Be My Lady, ang isa sa mga pambatong soaps ng ABS-CBN this year.Wala raw kasing kapruble-problema among its stars, lalo na kina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na lumalabas ang sobrang kaswitan kapag break na o wala na sa harap ng kamera.

Effortless nga raw ang mga kilig moments ng dalawa sa kanilang mga eksena. At extended pa nga raw yan kahit tapos na ang kanilang taping. “Bigla na lang silang magki-kiss, magyayakapan, magpapabuhat si babae, sasandal si lalaki.

Magtatawanan. Masaya lang sa set,” sey ng aming kausap. Kaya naman daw this early ay nasasanay na ang buong produksyon sa mga PDA moments ng dalawa.

And yes, kahit daw ang mga supporting players gaya nina Janice de Belen at Priscilla Meirelles ay smooth na smooth din ang mga eksena together at wala raw naglalakas-loob na lagyan ng intriga ang past and present girls sa buhay ni John Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending