Lasengga ang Motorsiklo | Bandera

Lasengga ang Motorsiklo

Leifbilly Begas |January 06,2016
facebook
share this

Lasengga ang Motorsiklo

Leifbilly Begas - January 06, 2016 - 03:00 AM

ISA sa mga pinag-uusapan ng mga tricycle driver habang naghihintay ng pasahero sa pilahan ang pagtaas ng gasolina. Kapag malakas sa gas ang motorsiklo tinatawag nila itong lasengga. Ang iba naman sinasabi na nagmumumog ng gas ang kanilang motorsiklo.
Kapag tumataas ang gasolina ay nababawasan ang naiuuwing kita ng mga driver.
Pero hindi lamang ang mga tricycle driver ang nagbabantay sa presyo ng gasolina kundi maging ang mga ordinaryong motorista.
Ayon sa BikeBD maraming sanhi ng paglakas ng pagkonsumo ng gasolina ng motorsiklo.
Ang paglakas ng konsumo ay dumedepende sa tamang pagpapalit ng kambyo (gear) at kung gaano kabilis patakbuhin ang motorsiklo.
Gaya ng mga four-wheel drive mas matipid kung malayuan ang biyahe (at walang trapik) at napapanatili ng matagal ang bilis ng sasakyan.
Nakatutulong upang makakuha ng magandang kilometrahe ang tamang pagpapalit ng langis (change oil).
Dapat din na maayos ang karburador at kung hindi ay ipa-tune up ito.
Tingnan din ang clutch plate, preno, kadena, sprockets at bearing upang masiguro na wala itong problema. Kung meron ay hindi gugulong ng maayos ang sasakyan kaya mas maraming gasolina ang kakailanganin para makalayo.
Tama din dapat ang hangin ng gulong. Kung hindi ito nakakaikot ng tama ay mas makonsumo.
Dapat din ay tignan ang fuel line. Baka naman mayroong leak kaya nababawasan ang gasolina mo ng hindi mo nalalaman at kahit hindi mo naman ginagamit ang sasakyan.
Delikado rin ito dahil sumisindi ang gasolina baka may maghagis ng upos sa ilalim ng motorsiklo mo bigla ka na lamang lumiyab. —Leifbilly Begas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending