Kailan kaya magkaka-baby? | Bandera

Kailan kaya magkaka-baby?

Joseph Greenfield |December 02,2015
facebook
share this

Kailan kaya magkaka-baby?

Joseph Greenfield - December 02, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Angel ng Luyuan Pasonanca, Zamboanga City

Problema:

  1. Two years na kaming nagsasama ng ka-live in ko ang problema hanggang ngayon ay wala pa ring kaming anak.Bakit kaya hindi ako nabubuntis, gayong sabi ng mga doctor na pinagpa-check-upan namin, wala naman daw may deprensya sa amin  ng ka-live in ko.
  2. Nais kong malaman kung kailan kaya ako mabubuntis dahil gustong-gusto na naming magka-baby. April 29, 1988 ang birthday ko at September 17, 1987 naman ang birthday ng ka-live in ko?

Umaasa,

Angel  ng Zamboanga City

Solusyon/Analysis:

Astrology:

Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Virgo naman ang ka-live-in mo nagsasabing,  compatible at tugma naman kayong dalawa, dahil ang Taurus at Virgo ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin din nito mas makabubuting gumawa kayo ng baby, sa buwan ng Disyembre hanggang Enero o kaya’y Abril hanggang Mayo.

Numerology:

Ayon sa birth date mong 29, at 17 naman si mister, matapos kayong maikasal kahit na simple o sa huuwes o civil wedding lang, sa mga petsang 1, 10, 19, at 28, tiyak ang magaganap dahil kasal na kayo mas madali kang mabubuntis.

Luscher Color Test:

At upang matiyak na magbubuntis ka gumamit kayo ng kulay na pula habang nagtatalik. Sa ganyang paraan mas magiging masigla ang egg cell mo at ang sperm cell ng ka-live in mo, sa sandaling nag-meet isang malusog na babaing sanggol ang kusang mabubuo sa iyong sinapupunan.

 Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angel ayon sa iyong kapalaran, sundin mo lang ang mga mungkahing itinagubilin na sa itaas, lalo na iyong mungkahing magpakasal na muna kayo. At kapag nagawa mo yan, makikita mo, sa taon ding 2016 hanggang 2017, mabubuntis ka, at matapos ng siyam na buwan, isisislang na ang uanng babaing  magiging bunga ng inyong pagmamahal na siyang kukumpleto at lalo pang magdadagdag ng ligaya sa inyong pagmamahalan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending