Horoscope, December 01, 2015 | Bandera

Horoscope, December 01, 2015

Madam Sophia |December 01,2015
facebook
share this

Horoscope, December 01, 2015

Madam Sophia - December 01, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Disyembre na! Ibig sabihin pasko na! Kaya nga kung ngayon pa lang ay mamimili na ng pang-regalo mas malaki ang matitipid. Sa pag-ibig, isipin ang pinaka-sweet at nakakikilig na Christmas gift para sa minamahal. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Om-Agiel-Om-Ophiel.” Red at yellow ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Bagong kalakal na may kaugnayan sa butil ang dapat u-pang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, simulan ng maghanap ng bagong mamahalin sa katauhan ng isang Libra. Mapalad ang 8, 17, 26, 31, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Akyata-Om-Purana.” Green at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag makuntento sa pagtunganga! Kalakal na may kaugnayan sa pagkain ang dapat simulan ngayon papalapit na ang Simbang Gabi. Sa nasabing negosyo uunlad ka at yayaman. Sa pag-ibig, laging magpasalamat sa kabutihang ipinapakita ng kasuyong Virgo. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Paramihin ng paramihin ang benta, kung saan, sa formulang “multiplication process”, mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi dapat na mamangka sa dalawang ilog, manatiling tapat sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Blue at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Kumilos ka ng kumilos upang magkaroon ng suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, isang batong maliit at isang batong malaki ang pagtabihin sa east corner ng sala ng inyong bahay upang mapanatiling maligaya ang pamilya. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at pink ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Kahit gustong-gusto mo ng namili ng mga pang-regalo wag munang gawin. Isipin ang pinaka-tipid na pang-regalo ngayong pasko! Sa pag-ibig, sanayin ang pamilya sa mga mumurahin pero masustansyang pagkain. Mapalad ang 5, 10, 23, 27, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dominum-Om-Factum.” Silver at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig at sa pinansyal, imungkahi sa kasuyo na itabi at wag ubusin ang malaking halaga ng salapi na hawak nyo sa ngayon, upang pagkatapos ng pasko marami pa rin kayong pera. Mapalad ang 1, 10, 22, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Gary at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Usok at hangin ang mapalad mong elemento. Kung magnenegosyo bagay sa iyo ang bakery, ihaw-ihaw, puto bumbogng at bibingka. Sa pag-ibig, susuwertehin sa pananalapi kung isang uto-utong Aquarius ang makakatuluyan. Mapalad ang 6, 12, 23, 32, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at white ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kalimutan na ang nakaraan, upang makapag-concentrate sa kasalukuyan. Sa negosyo, isang kasosyong Cancer ang kailangan. Sa pag-ibig habang nag-aamoy pasko ang simoy ng hangin muling paigtingin ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 11, 19, 27, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Mawawalang mabilis ang hawak na pera kung gasta ka lang ng gasta. Wag sumabay sa komersiyalismong agos ng Kapaskuhan. Kailangan pa ring magtipid. Tandaang kapag maraming pera ang pamilya lagi silang masaya at sama-sama. Mapalad ang 3, 19, 27, 33, 37 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kurvan-Aum-Adhena.” Purple at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sikaping maitabi ang kalahati ng salaping nakuha sa 13th month pay at bonus, upang pagkatapos ng pasko, marami pa kayong pera. Sa pag-ibig, tuloy ang palihim pero romantic na relasyon. Suwerte ang 6, 15, 27, 36, 37, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadab-Bra!” Lilac at beige ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Palaguin ng palaguin ang kabuhayan, upang masiguro ang isang magandang kinabukasan para sa mga mahal sa buhay. Sa pag-ibig, sa iyong pag-uwi bigyan ng mainit na yakap ang kasuyo. Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Om-Om-Gayatri.” Blue at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—May kakaharapin na namang suliraning may kaugnayan sa salapi. Dating gawi ang biglang papasok sa isipan: “Sino kaya ang mauutangan?” Huwag umasa sa ibinibigay ng kasuyo, panahon na upang umisip ng sarili mong pagkakape-rahan. Mapalad ang 3, 12, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Om.” Orange at pink ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending