Susan na-touch kina Nora, Carmina at Zoren; Manoy dedma sa offer ng mga kandidato sa 2016 | Bandera

Susan na-touch kina Nora, Carmina at Zoren; Manoy dedma sa offer ng mga kandidato sa 2016

Ervin Santiago |November 30,2015
facebook
share this

Susan na-touch kina Nora, Carmina at Zoren; Manoy dedma sa offer ng mga kandidato sa 2016

Ervin Santiago - November 30, 2015 - 02:00 AM

susan roces

Todo ang pasasalamat ni Ms. Susan Roces sa mga kaibigan niyang celebrities dahil sa lantarang pagsuporta ng mga ito sa kandidatura ng kanyang anak na si Grace Poe.

Hindi raw akalain ng Reyna Ng Pelikulang Pilipino na bubuhos ang suporta ng mga kilalang artista para sa anak nila ni FPJ kaya naman na-touch siya sa gesture ng mga ito.

Proud na proud naman si Grace sa kaniyang showbiz connection dahil ito raw ang bumuhay sa kaniya bilang anak nina Susan at FPJ, sabi nito sa isang panayam, “I’m very proud of the movie industry and the television industry.

Iyon naman ang kinalakihan ko. Iyan naman ang nagpa-a-ral sa akin, iyong mga tumataguyod ng pelikula kaya I’m proud of that.”

Nauna na ngang nagpahayag ng kanilang suporta sa senadora ang mga bida sa GMA Telebabad series na Little Nanay na sina Superstar Nora Aunor at Eddie Garcia, ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi at si Joey Marquez.

Si Ate Guy nga mismo ang nagtatanggol kay Grace sa mga batikos ni Sheryl Cruz noon laban sa kanyang pinsan. Si Manoy Eddie naman ay nauna nang sinabi na si Grace daw ang ikakampanya niya kahit pa alukin siya ng malaking halaga para ikampanya ang mga makakalaban ng senadora sa 2016.

Samantala, speaking of Nora Aunor, proud na proud naman ang GMA Network sa Superstar sa pagkaka-re-cognize sa aktres bilang isa sa mga Gusi Peace Prize laureates for 2015.

Isa lamang ang natatanging Pilipino na napabilang sa prestihiyosong Gusi Peace Prize kaya isa na namang malaking karangalan ang ibinigay ng Superstar sa bansa.

Napapanood pa rin si Ate Guy gabi-gabi sa Telebabad series na Little Nanay kasama sina Kris Bernal, Gladys Reyes, Keempee de Leon at marami pang iba sa direksyon ni Ricky Davao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending