Kasalang Alden-Cindy minalas; halikan ng AlDub bitin | Bandera

Kasalang Alden-Cindy minalas; halikan ng AlDub bitin

Ervin Santiago |November 29,2015
facebook
share this

Kasalang Alden-Cindy minalas; halikan ng AlDub bitin

Ervin Santiago - November 29, 2015 - 03:00 AM

yaya dub

TUWANG-TUWA ang AlDub nation nang hindi matuloy ang kasal nina Alden Richards at Cindy sa Kalyeserye ng Eat Bulaga kahapon sa GMA 7.

As expected, tinutukan na naman ng milyun-milyong Dabarkads ang pagpapatuloy ng love story nina Alden at Yaya Dub o Maine Mendoza at ang nakatakda sanang pagpapakasal ni Alden kay Cindy.

Kahapon, napurnada ang kasalang Cindy at Alden at matapos malaglag sa hagdan at mabagok. Nagkaroon ng amnesia ang Russian model at hindi na maalala ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Maging ang kasal nila ni Alden ay nawala na sa kanyang alaala.

Pero bago pa magkaroon ng amnesia si Cindy ay inanunsyo na ni Lola Babah (Ai Ai delas Alas) na pinapayagan na niyang magkaroon ng relasyon ang apong si Alden at Yaya Dub.

Gusto niya raw maging maligaya si Alden sa babaeng tunay na nagpapatibok sa kanyang puso. Pero sa kabila nito, matigas pa rin ang paninindigan ni Cindy na ituloy ang kasal nila ni Alden.

Pero sa nangyari ngang aksidente, hindi na natuloy ang kasal. Kaya ang ending, nagpunta si Yaya Dub sa kinaroroonan ni Alden at doon ay muli silang nagkasama.

Sa sobrang kaligayahan sila’y nagyakap at nang tangka nang maghahalikan, bigla nang tumunog ang mahiwagang buzzer. Kaya sa darating na Lunes, siguradong may mga bagong pasabog na naman ang kalyeserye ng Eat Bulaga.

Ano nga kaya ang mangyayari kay Cindy? What’s next sa masalimuot ngunit makulay na love story nina Yaya at Alden? Sincere kaya si Lola Babah sa pagbibigay nito ng basbas sa pagmamahalan ng AlDub? Abangan!

Samantala, tuluy-tuloy naman ang sandamakmak na blessings na dumarating kina Alden at Maine. Bukod sa umeere nilang mga TV ads marami pang nakalinyang proyekto ang dalawa kabilang na ang kanilang MMFF 2015 entry na “My Bebe Love” at ang napapabalitang teleserye nila next year.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending