Tomboy ang karelasyon | Bandera

Tomboy ang karelasyon

Joseph Greenfield |November 27,2015
facebook
share this

Tomboy ang karelasyon

Joseph Greenfield - November 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Eunice ng San Jose, Tacloban  City, Leyte
Dear Sir Greenfield,

May karelasyon akong tomboy kaya tutol ang mga magulang ko sa relasyon namin. Pero nagmamahalan kami. Actually, magtu-two years na kami sa darating na December 25. Ang itatanong ko lang sana ay kung kami na po ba talaga ang magsasama habang buhay kahit na tutol ang mga magulang ko sa kanya. At kung ako lang kaya talaga ang kaisa-isang babae sa buhay niya? Kasi minsan ay nahuhuli ko siyang may ka-text mate at sabi niya sa akin ay kaibigan niya lang daw iyon. Totoo kayang kaibigan lang niya ang ka-text mate niya at hindi kaya dumating ang araw na ipagpalit nya rin ako sa iba? October 29, 1991 ang birthday ko at November 7, 1990 naman ang birthday ng tomboy na ka-relasyon ko.

Umaasa,
Eunice ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ang nagdobleng Venus Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad ang nagsasabing tunay ngang mahuhulog nang husto ang loob mo sa isang t-bird o tomboy na ayon sa iisa lang naman na Marriage Line (arrow 2.) sa iyong palad. Posible ngang ang kasalukuyan mo ng karelasyon ang iyong makakasama habang buhay, kahit sabihin pa na-ting tutol ang iyong mga magulang at ang buong barangay sa inyong rela-syon.

Cartomancy:
Two of Diamonds, Four of Spades at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing bagamat sa simula ay maraming mga pagsubok na darating sa inyong samahan, makakayanan n’yong lagpasan iyan, upang pagsapit ng taong 2017 tuluyan na ka-yong magsasama sa iisang bubong habang buhay at ang Two of Diamonds ay nagsasabing habang kayo ay nagsasama maaari pa nga kayong yumaman.

Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending