Horoscope, November 27, 2015 | Bandera

Horoscope, November 27, 2015

Madam Sophia |November 27,2015
facebook
share this

Horoscope, November 27, 2015

Madam Sophia - November 27, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tumatanda ka na, hindi mo ba napapansin? Iukol ang bawat araw ng iyong buhay upang paglaanan ang pagyaman. Sa pag-ibig, ipalasap na ngayon sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa – kapag nawala ka, sino na ang magpapainit ng kanyang katawan? Mapalad ang 4, 15, 23, 33, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla”. Purple at pink ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Ngayong nalalapit na ang kapaskuhan mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan prutas, pagkain at laruang pamasko. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang kinikita. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Deva-Aum.” Blue at silver ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag kang magpaalipin sa kasuyo. Ipakita ang sariling “identity.” Sa ganyang paraan ay higit na mas magiging maligaya ang inyong relasyon. Sa pinansiyal, dagdag na negosyong may kaugnayan sa likido at pagkain ang ipatupad. Mapalad ang 4, 19, 25, 36, 45 at 49. Mahiwagang mong mantra, “Hare-Hare-Rama-Rama.” Grenn at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Simple lang ang sikreto ng pagyaman. Magtabi muna ng savings o ipon bago gumasta. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na magbukas ng shared account na hindi gagastusin kahit ano ang mangyari. Mapalad ang 1, 4, 10, 38, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta.” Yellow at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Sa pagiging negatibo, maraming oportunidad ng pagkakaperahan ang mawawala. Sa pag-ibig, kung lagi kang nag-iisip nang di maganda, paano makakasumpong ng tunay na ligaya? Mapalad ang 3, 9, 30, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag umasa sa iba! Sa ganyang paraan, matutupad mo na rin ang matagal mo nang pinapangarap – ang yumaman! Sa pag-ibig, sa isang paglalakbay ay may bagong relasyong mabubuo. Sa pinansiyal, ituloy ang pagkukuripot! Mapalad ang 1, 5, 19, 23, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal-Om.” Blue at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Panatiliin ang kapayapaan ng kalooban! Iwasan ang pakikipag-away. Sa payapang isip, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, matatagpuan ang true love sa isang Cancer. Mapalad ang 6, 18, 22, 34, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Lilac at Purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansiyal, unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo, i-drowing ninyong dalawa sa malinis na papel ang pangarap na house and lot at idikit sa dingding upang madali itong matupad. Mapalad ang 6, 18, 21, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa araw na ito, darating na ang pinakahihintay. Isang magandang balita ang matatanggap, na magdadala sa iyo sa pangingibang-bansa. Sa pag-ibig, mananatiling naghihintay ang puso sa isang relasyong hindi naman darating. Mapalad ang 3, 9, 18, 21, 30, at 45. Mahiwagang mong mantra: “Vendurya-Tagata-Rajabana.” Blue at magenta ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Maikli lang ang buhay kaya hindi dapat maghinanakit sa kapwa. Sa darating na kapaskuhan, batiin ang mga dating nakaalitan upang mas maging magaang ang iyong kalooban. Sa pinansyal, kapag may galak at ngiti ang iyong puso kusang darating ang maraming pera. Mapalad ang 6, 12, 27, 32, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Suryaye-Maneh-Om.” Pink at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Tuloy ang dating ng magagandang kapalaran, basta hindi mo inaapi ang iyong kapwa. Sa pinansyal, lalong lalaki ang kita basta manatili kang patas lang. Sa pag-ibig, nagtatampo ang kasuyo ilibre mo siya ng pagkaing malamig, tunaw at matamis. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Mandala-Om-Bejaa.” Orange at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Imbes na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Matutong magpasalamat sa bawat biyayang natatangap. Sa pag-ibig, bigyan ng matamis na halik ang minamahal. Sa pinansiyal, iwasang maging gastador, kahit maliit ang kinita ay pilitin mo pa ring mag-saving. Mapalad ang 4, 13, 17, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Mani-Padme-Hum.” Black at beige ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending