Sarah ayaw nang gumawa ng Pelikula? | Bandera

Sarah ayaw nang gumawa ng Pelikula?

Ervin Santiago - November 07, 2015 - 02:00 AM

sarah geronimo

Ayaw na nga bang gumawa ng pelikula ni Sarah Geronimo? Isa ito sa mga naitanong sa Pop Princess during the presscon of her two-night concert sa Araneta Coliseum on Dec. 4 and 5, ang “From The Top.”

Bukod sa pag-ayaw sakaling i-offer sa kanya ang “Darna” the movie ay tila nagparamdam din ang singer-actress tungkol sa desisyon nitong huwag na munang gumawa ng pelikula.

“Gusto niyo pa po ba ako mag-pelikula?” ang balik-tanong ni Sarah sa press nang tanungin kung ano na ang susunod niyang movie after ng pelikula nila ni Coco Martin.

Sey ni Sarah, sana kung gagawa uli siya ng movie, ibang tema naman, “Alam naman po ng lahat ‘yon, na nalilinya tayo sa isang genre ng pelikula, ang rom-com. “Dumating yung point na iniisip ko na… pinag-iisipan ko pong maging aktres.

Kung gusto ko pong maging actress, kailangan maging fully committed ako. Kung ano ang hinihingi ng istorya. Naghahanap lang ako ng lalim, yung growth bilang aktres,” paliwanag ng dalaga.

Aniya pa, “Siguro, kaila-ngan lang ng tamang panahon para maging maayos na ang lahat. Kapag nag-shooting ka, plantsado lahat, walang nababago.” Pero kung sakali ngang dumating ang pagkakataong ito, sabi ni Sarah, “For a long time marami po akong naging restrictions.

Pero kapag dumating yung panahon na buong-buo ang loob ko na maging artista at maganda ang proyekto, go!” Feeling din ni Sarah, tama lang na huwag nang magkaroon pa ng sequel ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz, kung bibigyan daw uli sila ng project together, original story na sana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending