Makakatuluyan ba ang Americanong ka-chat mate? (2) | Bandera

Makakatuluyan ba ang Americanong ka-chat mate? (2)

Joseph Greenfield |October 13,2015
facebook
share this

Makakatuluyan ba ang Americanong ka-chat mate? (2)

Joseph Greenfield - October 13, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Joanne ng Aquino Avenue,  Butuan City
Problema:
1. May ka chat mate ako at bale boyfriend ko na siya pero hindi pa kami nagkikita, almost two years na kasi ang relasyon namin sa internet lang. Nagkikita lang kami sa Skype pero halos araw-araw naman at gabi-gabi. Siya ay isang Americano na sabi nya ay divorce na daw siya sa kanyang asawa. May pa-ngako siya sa akin na sa susunod na taong 2016 by month of January daw or February ay magbabaka-syon siya sa ating bansa upang magkita kami at para pakasalan ako. Gusto ko sanang malaman kung matutupad kaya ang pangako niyang ito?
2. Compatible ba kami at siya na ba ang lalaking makakasama ko habang buhay at may chance kaya na makarating ako sa U.S. at doon na manirahan? May 13, 1989 ang birthday ko at January 7, 1972 naman ang birthday ng Americanong boyfriend ko?

Umaasa,
Joanne ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) at Capricorn naman ang boyfriend mong Americano ay nagsasabing sadyang tugma at compatile kayo, dahil ang Capricorn at Taurus ay kapwa pinaghaharian ng elementong earth o lupa. Ibig sabihin sa sasandaling kayo ay nagkatuluyan walang duda magiging maligaya at maging pang habang buhay na ang in-yong pagmamahalan.

Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing mara-ming bigla at hindi inaasahang suwerte ang darating sa iyong uhay, at isa na nga dito ang pagkakaroon mo ng boyfriend na Americano na magiging daan upang pagdating ng panahon – susuweretehin ka ring makapag-abroad at makapanirahan sa U.S.
Luscher Color Test:
Upang matupad at lalo pang gumanda ang iyong kapalaran lalo na sa pag-ibig, sa pakikipag-relasyon at sa pagpapamilya, lagi kang magsuot at gumamit ng kulay na berde, dilaw at pula.
Huling payo at paalala:
Joanne ayon sa iyong kapalaran, ngayon pa lang puwede ka ng mag-saya, sapagkat sa taong 2016, bagamat hindi sa buwan ng Enero o Pebrero darating ang boyfriend tiyak naman sa nasabi ding taon sa edad mong 27 pataas, papasyal dito sa Pilipinas ang boyfriend mong Amerciano, ito ay magaganap sa buwan ng Mayo o kaya’y Hunyo, upang tuparin ang kanyang pangako – papakasalan ka niya at pagkatapos ay isa-sama sa U.S. at upang sa bandang huli sa U.S. na rin kayo bubuo ng isang maunlad at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending