Sa pagnenegosyo yayaman (2) | Bandera

Sa pagnenegosyo yayaman (2)

Joseph Greenfield |October 07,2015
facebook
share this

Sa pagnenegosyo yayaman (2)

Joseph Greenfield - October 07, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Mar ng Bangkal, Sapian, Capiz
Problema:
1. Ako ay isang seaman, pero sa ngayon ay balak ko nang huminto sa pagbabarko at magnegosyo na lang. May konti rin naman akong ipon na pwedeng puhunan. Mainam na magnegosyo dahil hindi na ako malalayo sa aking pa-milya.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo u-pang alamin kung ano ba ang magandang negosyo para sa aming mag-asawa na magpapaunlad ng a-ming pamilya. October 14, 1978 ang birthday ko habang ang misis ko naman ay isinilang noong January 23, 1980. Sana ay mabigyan n’yo kami ng magandang ideya o gabay upang magtuloy-tuloy na ang pag-unlad at pag-asenso ng aming pamilya.
Umaasa,
Mar ng Sapian, Capiz
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) at Aquarius naman ang misis mo ay nagsasabing tugmang-tugma nga kayo sa mga negosyo o kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Bukod sa pagkain, maaari ring subukin ang mga produktong butil, grocery at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Sa nasabing negosyo kayo uunlad at yayaman.

Numerology:
Ang birth date mong 14 at 23 naman si misis ay suwetong-suweto din sa isat-isa dahil ang 14 ay 1+4=5 at ang 23 ay 2+3=5. Parehong “five” ang birthdate n’yo, na nangangahulugang na lagi lang kayong magsama at magtulungan sa itatayo n’yong negosyo. At tulad ng nasabi na sa Cartomancy, mga anim hangang 10 taong pagnenegosyo ay mararamdaman n’yo na ang tuloy-tuloy na pag-unlad at pag-asenso.
Luscher Color Test:
Sa pagnenegosyo, upang mapanatili ang pag-unlad ay ugaliing gumamit lagi ng kulay na pula, silver at gray. Ang nasabing kulay ang lalo pang magpapayaman sa inyong pamilya.

Huling payo at paalala:
Mar, ang kapalaran mo ang nagsasabing mas mabuting simulan n’yo na ni misis ang negosyong binanggit na sa itaas. Sa buwan ding ito ng Oktubre ay makikita n’yo, tulad ng nasasabi, sa taong 2021, sa edad mong 43 pataas at 41 naman si misis, mararamdaman na ng inyong pa-milya ang pag-unlad hanggang sa tuloy-tuloy na ka-yong yumaman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending