Sam Milby: Jennylyn is every man’s dream! | Bandera

Sam Milby: Jennylyn is every man’s dream!

Ervin Santiago |October 07,2015
facebook
share this

Sam Milby: Jennylyn is every man’s dream!

Ervin Santiago - October 07, 2015 - 02:00 AM

sam milby

Malulunasan ang pagkauhaw ng publikong humaling na humaling sa tinaguriang Woman of Desire ng taon na si Jennylyn Mercado. Mapapanood siya sa Ultimate Kilig Movie of The Year, ang “The PreNup” mula sa Regal Entertainment ngayong Okt. 14!

Huling nasaksiksahan ng mga manonood si Jen sa 2015 MMFF surprise blockbuster na “English Only, Please.” Hindi lang ganda ng mukha at taglay na alindog ang hinahangaan sa kanya kungdi ang galing niya sa pag-arte sa romantic-comedy film dahil tinaob niya ang ka-labang aktres at inuwi ang Best Actress Award ng 2015 MMFF.

Higit na kuminang ang pagiging aktres ni Jennylyn nang siya ang tanghaling 2015 Sexiest Woman ng FHM. Taglay niya ang face to love and body to die for kaya siya ang nanaig sa lahat ng nagseseksihan artistang babae na kasabayan niya.

Dahil dito, lalong nagningning ang bituin ni Jen kaya naman walang daloy ang dating ng biyaya sa kanyang career. Sa darating na Okt. 14, isa na namang pasabog ni Jen ang hatid niya sa mga nagmamahal sa kanya.

Sa movie, inilabas muli niya ang angking talento sa isang masayang movie na punumpuno ng kilig, sweet moments at nakaka-in love na mga eksenang first time lang niyang ginawa sa isang movie.

Sa una ring pagkakataon, ang guwapo’t mabait na aktor na si Sam Milby ang karomansahan niya. ‘Yung pagiging tahimik na tao si Sam ay ginising ni Jen sa kanilang malalagkit na mga eksena! Saksi ang Central Park,

Times Square at matulaing lugar sa New York sa maliligayang sandali nina Sam at Jen. Pahayag nga ni Sam, “Jen is every man’s dream!” Kaya malapit na malapit sa katotohanan ang mga eksena nilang naghahalikan at naglalampungan sa kama, huh!

Eh, wala rin namang boyfriend si Jennylyn. So kung ligawan man siya ni Sam ay hindi malayong i-entertain niya ang binata. Kaya nga huwag magtaka na kung sakaling tapos nang ipalabas ng rom-com movie nila at nakikita silang mag-date, ang ibig sabihin lang nito at nahulog na sa isa’t isa ang loob nila.

Kasama rin sa cast ng “The PreNup” sina Jaclyn Jose, Gardo Versoza, Dominic Choa, Ella Cruz, Freddie Webb at marami pang iba, sa direksiyon ni Jun Lana. Magkakaroon din ito ng premiere night sa Okt. 13 sa SM Megamall, 7 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending