Babalikan pa ba ng boyfriend? (2) | Bandera

Babalikan pa ba ng boyfriend? (2)

Joseph Greenfield |October 05,2015
facebook
share this

Babalikan pa ba ng boyfriend? (2)

Joseph Greenfield - October 05, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Susan ng San Joaquin,  Capoocan, Leyte
Problema:
1. Nanghihinayang ako sa relasyon namin ng naging boyfriend ko kasi mag dadalawang taon na sana kami sa darating na Christmas pero nagka-break kami nito lang August 13. Siya ay isang seaman noong una ay nagcha-chat pa kami at tumatawag sa akin, hanggang bandang huli ay nawala na ang communications namin. At nabalitaan kong umuwi na pala siya ng hindi man lang ipinapaalam sa akin. Kaya ang ginawa ko pinuntahan ko siya sa kanilang bahay para magkausap kami. Nagawa ko yon, ako na ng unang gumawa ng paraan para magkausap kami kasi mahal na mahal ko siya at bago siya sumampa sa barko ay may nangyari na sa amin. Siya po ang first boyfriend ko at gusto ko na sana siyang makatuluyan. Kaya lang ng pinuntahan ko nga sya sa kanilang bahay ang sabi nya sa akin ay “Sorry may iba na daw siyang GF!” ng marning ko yon parang pinagtakluban ng la-ngit at lupa ang pakiramdam ko kaya nasampal ko siya at sabay alis ako na umiiyak na hindi man lang niya ako hinabol o inihatid sa sakayan ng dyip. Sa ganitong sitwasyon ng aming relasyon sa palagay mo Sir Greenfield magkakabalikan pa kaya kami? At kapag nagbalik siya kami na kaya ang magkakatuluyan at magka-compatible po ba kami? March 2, 1992 ang birthday ko at April 18, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaas,
Susan ng Capoocan Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ay nagsasabing hindi mo ka-compatible ang boyfriend mong Aries, kaya mas mainam pang totally kalimutan mo na siya at maghanap ka ng lalaking isinilang sa zodaiac sin na Cancer o kaya’y Scorpio, dahil sa piling ng nasabing lalaki ka liligaya at makakasumpong ng isang tapat at pang habang buhay na pag-ibig.

Numerology:
Ang birth date mong 2 ay nagsasabing hindi mo ka-compatible ang boyfriend mong may birth date na 18, kaya imposible na kayong magkabalikan. Sa halip maghanap ka ng isang lala-king isinilang sa petsang 7, 16 o o kaya’y 25, dahil sa piling ng nasabing lalaki makakaranas ka na ng isang maligaya at pang habang buhay na pakikipag-relasyon.

Graphology:
Ang lagda mong may bilog sa simula pero gumanda din sa gitna hanggang sa dulong bahagi ay nagsasabing sa edad mong 23 sa kasalukuyan nakatakda ngang mabigo at lumuha ka sa pag-ibig, ngunit sa susunod na taong 2016 hanggang 2017 sa edad mong 24 pataas, makakatikim ka na ng isang masarap at maligayang pag-ibig.

Huling payo at paalala:
Susan ayon sa iyong kapalaran hindi ang kasalukuyan mong boyfriend na isang seaman ang iyong makakatuluyan kaya okey lang na mawala na siya at huwag mo ng habulin pa. Sa halip sa darating na 2016 sa buwan ng Mayo sa edad mong 24 pataas, isang lalaking may initial na A. B. ang manliligaw sa iyo na nakatapos ng kursong Education, siya ang magiging ikalawang boyfriend mo na sa bandang huli ay magpapaligaya sa iyo hanggangs saa tuluyan mo na rin siyang makasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending