Horoscope, September 04, 2015 | Bandera

Horoscope, September 04, 2015

Madam Sophia |September 04,2015
facebook
share this

Horoscope, September 04, 2015

Madam Sophia - September 04, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Babalik ang tagumpay at suwerte basta ang mahalaga ay payapang lagi ang isipan. Matapos magsimba, pagnilay-nilayan ang naging accomplishment noong nakaraang taon. Sa pag-ibig, may magandang bagay kang matatanggap buhat sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 31, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sahatsha-Arva-Om.” Gold at beige ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Wag mangako kung hindi tutuparin! Mabibingit ka na naman sa mga pagkakautang na hindi kayang bayaran. Sa pag-ibig at pinansyal, isang malapit na kaibigang Libra ang maaari mong malapitan. Mapalad ang 6, 12, 21, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Para maiwasan ang nauuso na namang karamdaman, kumain ng maraming prutas at sariwang gulay. Alalahanin mong kapag malakas ang pakiramdam ay may masarap na romansang naghihintay. Mapalad ang 6, 9, 22, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Trata-Savitra-Om.” Pink at lilac ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo rin. Itapon na sa basurahan ang pagpapatansya at mga pangarap na hindi naman natutupad. Kailangang mabuhay ka sa reyalidad upang lumigaya at umunlad. Mapalad ang 7, 13, 17, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sha-Ri-Aum-Padhani.” Silver at red ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag magdesisyon nang nakabatay sa damdamin. Sikaping magpasya gamit ang utak upang tumabo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, i-orient ang kasuyo sa mga bagay na pagkakaperahan upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 4, 18, 27, 37, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Agla-Om.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Iwasang magyabang, marami na namang maiingit sa iyo. Mas mabilis na lalago ang kabuhayan kung pananatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag masyadong dominahan ang kasuyo baka nasasakal na siya. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Yantra-Om.” Orange at maroon ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Lagi ka na lang kinakapos sa oras! Wag na kasing umistambay. Gawin agad ang mga proyektong nasa isip. Ito ang panahon upang ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig, magbigay ka rin ng oras sa kasuyong Taurus. Mapalad ang 3, 18, 33, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arkaye-Om-Savitre.” Blue at yellow ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Habang sagana ay dapat na mag-ipon. Tama ang ginagawa mong pagi-invest sa mga bagay na may kaugnayan sa pagkain at butil. Sa pag-ibig, ipaglaban ang kayusong Aquarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Maya-Beeja-Om.” Orange at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Umiwas sa mga kabarkadang walang naituturong maganda. Panahon na upang ang mga bagay na may kaugnayan sa salapi ang pahalagahan. Sa pag-ibig, obvious naman na ang salapi ang nakapag-bibigay ng isang mas maligayang suyuan. Mapalad ang 5, 14, 29, 31, 33, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tarah-Jawalah-Om.” Silver at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Gamitin ang utak sa halip na ang prinsipyo. Ibenta ang prinsipyo kapalit ng malaking halaga. Gawin mo na ngayon! Okey lang naman sa kasuyo na wala kang prinsipyo, basta ba mahal mo siya at marami kayong pera! Mapalad ang 4, 15, 24, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Grahala-Aum-Dosya.” Pink at white ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Hindi nasusukat sa maluhong pamumuhay ang sinasabi nilang mayaman! Magtipid ka, ‘yan ang “sure” na daan sa pagyaman. Tama ang mungkahi ng kasuyo, wag kang masyadong mayabang upang mas mabilis kayong yumaman. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Siddhi-Om-Mori.” Purple at magenta ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kapag masyado kang pesimista at nag-iisip ng mga negatibong bagay, lalo ka lang maghihirap. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyong Leo sa pamamagitan ng lakas ng loob mas mabilis kayong uunlad Mapalad ang 5, 17, 22, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Khangaya-Aum-Dyanama.” Green at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat ipagmalaki ang mga nagawang kabutihan! Sa pagpapakumbaba, lalo kang sasagana. Sa pag-ibig, walang magagawa sa kagustuhan mo ang kasuyong Cancer, maa-under mo na naman siya. Mapalad ang 3, 15, 18, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Om-Mitra.” Purple at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending