Anthony Taberna binantaan; pag-aaring coffee shop pinaulanan ng bala | Bandera

Anthony Taberna binantaan; pag-aaring coffee shop pinaulanan ng bala

|August 28,2015
facebook
share this

Anthony Taberna binantaan; pag-aaring coffee shop pinaulanan ng bala

- August 28, 2015 - 10:45 AM

TILA nanganganib ang buhay ng broadcaster na si Anthony Taberna matapos paulanan ng bala ang kanyang coffee shop sa Visayas avenue, Quezon City Biyernes ng madaling araw

Ayon kay Taberna, broadcast journalist sa ABS-CBN, dalawang lalaki ang nagpaulan ng bala sa kanyang Ka Tunying’s Cafe, na ikinasira ng mga glass panel ng establisimento.  Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Sa kuha ng CCTV, bago maganap ang insidente, nakita ang apat na lalaki na nasa labas ng cafe, dalawa sa kanila ang armado. Sakay ng motorsiklo ang mga salarin.

Naganap ang insidente sa harap ng matinding power struggle sa loob ng maimpluwensiyang Iglesia Ni Cristo.  Si Taberna ay isang hard-hitting commentator na miyembro ng Iglesia.  Siya ay kamag-anak din nang nasibak na si ministro na si Isaias Samson Jr.

Si Samson ang nagsampa ng illegal detention charges laban sa walong ministro ng INC sa Department of Justice dahil sa umano’y paglagay sa buhay niya at ng kanyang pamilya sa “house arrest” noong Hulyo.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang tunay na motibo sa pag-atake.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending