Direktor ng teleserye sa TV5 inatake sa puso, isinugod sa ICU | Bandera

Direktor ng teleserye sa TV5 inatake sa puso, isinugod sa ICU

Ervin Santiago |August 26,2015
facebook
share this

Direktor ng teleserye sa TV5 inatake sa puso, isinugod sa ICU

Ervin Santiago - August 26, 2015 - 01:37 PM

ricky rivero

KASALUKUYANG nasa Intensive Care Unit o ICU sa Tagaytay Hospital si Direk Ricky Rivero matapos atakihin sa puso.

Isinugod ang direktor noong Linggo ng madaling araw habang nagte-taping para sa pilot episode ng bagong seryeng My Fair Lady ng TV5 na papalit sa Baker King ni Mark Neumann. Balitang sobrang pagod at pressured si direk Ricky para sa bago niyang project sa Kapatid network dahil siguro mataas at maganda ang feedback ng papalitang serye nitong Baker King. Habang isinusulat namin ang balitang ito ay conscious na raw si direk Ricky at planong ilipat sa Cardinal Santos Hospital sa Wilson Street, Greenhills, San Juan ng kaibigan niyang si Rachel Alejandro. Wala raw kasi ang pamilya ng direktor sa Pilipinas kaya ang singer-actress ang umaasikaso sa kanyang kaibigan sa mga pangangailangan nito sa ospital. Anyway, how true ang nakarating na balita sa amin na hindi raw sasagutin ng TV5 ang hospital bills ng nasabing direktor? Hindi ba kargo ng isang network ang kanilang direktor kapag nangyari ang atake habang nagtatrabaho siya? Wala pa kaming nakukuhang official statement ang TV5 hinggil dito. Ngunit umaasa pa rin ang mga kaibigan ni Ricky na tutulungan ng Kapatid network ang direktor dahil hindi rin naman niya kagustuhan ang nangyari. Wala namang binanggit pa ang aming source kung sino ang pansamantalang papalit kay Ricky Rivero sa pagpapatuloy ng taping ng My Fair Lady.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending