NAGBIGAY ng pinansiyal na tulong si Blackwater team owner Dioceldo Sy sa mahigit 1,800 empleyado ng Ever Bilena Cosmetics Inc., ang prangkisa na may-ari ng Philippine Basketball Association (PBA) ballclub. Nagkataon naman ito sa desisyon ng pamahalaan na palawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) mula Abril 12 hanggang sa Abril 30 bunga ng coronavirus […]
SUPORTADO ng ilang coaches ang desisyon ng Philippine Basketball Association (PBA) na paikliin ang kasalukuyang season bunga ng coronavirus (COVID-19) pandemic. Suspindido pa ang liga dahil na rin sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 at nagdesisyon na ang PBA Board of Governors na paikliin ang Season 45. Sinabi […]
TULUYAN nang kinansela ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang lahat ng mga nalalabing kompetisyon nito sa Season 82 matapos ang pahayag na inilabas ng liga ngayong Martes ng gabi. Sa memo na pirmado ni UAAP president Emmanuel Fernandez at executive director Atty. Rebo Saguisag, kinansela ng liga ang lahat ng mga laro […]
INIREKLAMO ng maraming lokal na pamahalaan ang “quota system” sa pamamahagi ng social amelioration funds na inalaan para sa mga apektado ng lockdown sa bansa bilang kampanya para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19). Sa ilalim ng quota system, bibigyan lamang ng partikular na pondo ang bawat munisipalidad o lungsod mula sa P200 bilyon […]
INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 3,094 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtala ng 76 na bagong kaso deadly virus. Idinagdag ng DOH na umabot na sa 144 ang nasawi matapos ang walong bagong kaso. Umabot naman sa 57 ang mga nakarekober sa sakit.
LUMAGPAS na sa mahigit 3,000 ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa bansa, samantalang nasa 136 na ang nasawi dahil sa COVID-19. Sinabi ng Department of Health (DOH) na nasa 3,018 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa, matapos na makapagtala ng 385 bagong kaso. Samantala, 29 naman ang bagong namatay dahil sa deadly virus […]
UMABOT na sa mahigit 100 ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease, samantalang 2,633 kabuuang kaso na ng COVID-19 ang naitala. Sinabi ng Department of Health (DOH) na 107 katao na ang namamatay dahil sa COVID-19. Idinagdag ni Health Secretary Francisco Duque na lumagpas sa 100 ang mga nasawi matapos makapagtala ng 11 bagong kaso […]
NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng 227 bagong kaso ng coronavirus disease 2019 ngayong Miyerkules dahilan para umabot na ang mga tinamaan ng COVID-19 sa 2,311. Samantala, umabot na sa 96 ang mga namatay dahil sa deadly virus matapos ang panibagong walong kaso ng mga pumanaw. Nadagdagan naman ng isa ang mga gumaling, dahilan […]
SUMAMA na rin ang siyam na manlalaro ng Sta. Lucia Lady Realtors sa Philippine Superliga (PSL) sa mga tumutulong para sa mga frontliners na lumalaban kontra coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Kabilang sina Mika Reyes, Pam Lastimosa, Bang Pineda, Amy Ahomiro, Marge Tejada, Alex Bollier, Royse Tubino, Djanel Cheng at Rubie de Leon sa nag-donate […]
UMABOT na sa kabuuang 1,418 ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH). Idinagdag ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 71 ang nasawi, samantalang have 42 ang nakarekober sa COVID-19,m.