Death toll sa COVID-19 mahigit 100 na; kaso umabot na sa 2,366
UMABOT na sa mahigit 100 ang mga nasawi dahil sa coronavirus disease, samantalang 2,633 kabuuang kaso na ng COVID-19 ang naitala.
Sinabi ng Department of Health (DOH) na 107 katao na ang namamatay dahil sa COVID-19.
Idinagdag ni Health Secretary Francisco Duque na lumagpas sa 100 ang mga nasawi matapos makapagtala ng 11 bagong kaso ng mga pumanaw.
Samantala, 322 pa ang tinamaan ng COVID-19, dahilan para umakyat ang mga kabuuang kaso ng deadly virus sa 2,633.
Idinagdag ni Duque na umabot naman sa 1,265 persons under investigation (PUIs) ang nagnegatibo sa COVID-19.
Samantala, isa lamang ang nadagdag sa listahan ng mga gumaling, dahilan para umabot na ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa 51.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.