NAPARALISA ang biyahe sa Western Visayas matapos simulan ang dalawang araw na tigil pasada para tutulan ang planong phaseout ng mga public utility vehicles (PUVs) na may edad na 15 taon. SINABI ni Edgar Salarda, spokesperson ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa Panay Island, na tinatayang 97 porsiyento ng PUVs […]
HUMINGI ng tawad ang mga magulang ng suspek na si Jessie Carlos, na nanloob sa Resorts World Manila, na nagresulta sa pagkamatay ng 37 empleyado at mga panauhin. “Sa mga (biktima), nakikiramay po kami. Humihingi po kami ng patawad sa nagawa ng anak ko,” sabi ng tatay ni Carlos na si Fernando. Sinabi naman ng […]
DUMATING ang 14 na pamilya o 62 katao sa Cebu City para makatakas sa nangyayaring bakbakan sa Marawi City matapos naman ang paglusob ng teroristang grupong Maute group sa lalawigan. Nanggaling sa Iligan ang mga lumikas at sumakay ng MV Trans Asia 8, na naglayag noong Huwebes ng gabi papuntang Cebu City. Matapos dumating, dinala […]
PATAY ang lima katao, kasama na ang tatlong bata matapos ang nangyaring landslide dahil sa malalakas na pag-ulan sa Puerta Princesa kagabi, ayon sa mga otoridad. Sinabi ni Archie Robert Alarcon, program manager Kilos Action Agad Center (KAAC) ng lungsod na nasawi sina Marites Vidor, 42, at kanyang mga anak na sina Ashley, 1, at […]
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) ang muling pagkakaaresto sa Tarlac ng dalawang Koreano na nakatakas mula sa kanilang kulungan tatlong buwan na ang nakakaraan. Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nahuli muli ang dalawang pumugang banyaga noong Sabado matapos ang pinagsamang operasyon ng mga ahente ng BI intelligence division at Criminal Investigation […]
NAKATAKDA nang isumite ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng pagkakaugnay ni Supt. Ma. Cristina Nobleza sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Bohol. Sinabi ni IAS Inspector General Alfegar Triambulo na inaasahang maisusumite kay dela Rosa ang ulat […]
ITINANGGI ng Iligan City police na nagpapatupad ito ng lockdown sa lungsod sa harap naman ng banta ng posibleng pagpasok ng teroristang grupong Maute sa lugar. Iginiit ng mga otoridad na nagpapatupad lamang ng mahigpit na pagpoproseso sa mga tao at sasakyang gustong pumasok sa lungsod. Ito’y matapos kumalat na magpapatupad ng lockdown sa lungsod […]
Mga Laro sa Miyerkules (Cuneta Astrodome) 4:15 p.m. San Miguel Beer vs Blackwater 7 p.m. Star vs Alaska SINANDALAN ng TNT KaTropa Texters ang inside game ng import nitong si Joshua Smith para mapigilan ang Rain or Shine Elasto Painters at itakas ang 105-102 pagwawagi sa kanilang 2017 PBA Commissioner’s Cup elimination round game Linggo […]
NAGPATUPAD ng “no ID, no entry” policy, ang lokal na pamahalaan ng Cotobato City matapos isailalim ni Pangulong Duterte ang buong Mindanao sa martial law. Ginawa ang desisyon matapos makipagpulong si Cotobato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi sa lahat ng mga opisyal ng barangay matapos ang isinagawang emergency meeting Miyerkules ng gabi, bunsod na rin nang […]
SINABI ni Philippine Sports Commission chair Butch Ramirez Miyerkules na tuloy ang pagsisimula ng Mindanao Children’s Games Huwebes sa Rizal Park ng Davao City sa kabila ng kaguluhan sa Marawi na naglagay sa lungsod Davao sa ilalim ng mahigpit na seguridad. “In the midst of global terrorism, national terrorism like the Marawi case, the more I […]
PATULOY ang ginagawang pagtugis ng militar sa mga teroristang grupo na dumukot sa isang pari at 13 iba pa, matapos atakihin ang Marawi City ng pinagsanib na pwersa ng Maute group at Abu Sayyaf na may kaugnayan naman sa ISIS. Bukod sa pagdukot, sinilaban ng mga terorista ang ilang gusali sa lungsod, tinambangan ang ilang […]