Biyahe sa Western Visayas naparalisa matapos ang transport strike-Piston | Bandera

Biyahe sa Western Visayas naparalisa matapos ang transport strike-Piston

- June 05, 2017 - 03:28 PM

NAPARALISA ang biyahe sa Western Visayas matapos simulan ang dalawang araw na tigil pasada para tutulan ang planong phaseout ng mga public utility vehicles (PUVs) na may edad na 15 taon.

SINABI ni Edgar Salarda, spokesperson ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) sa Panay Island, na tinatayang 97 porsiyento ng PUVs ang lumahok sa strike.
Sa Capiz, 95 porsiyento ng mga PUVs na bumibiyahe sa Roxas City ang sumali sa tigil pasada.
Naparalisa rin ang biyahe sa Aklan matapos 95 porsiyento ng mga PUVs ang hindi pumasada.
Sinabi ni Salarda na nakilahok din sa tigil pasada ang mga transport groups sa Antique atGuimaras.
Tanging mga bus, taxi at mga van ang bumiyahe sa Antique at Guimaras,
Kontra ang mga transport groups sa isinusulong na modernisasyon ng Department of Transportation, kung saan planong i-phaseout ang mga jeepney na may edad na 15 taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending